
Nakahanap ng "fitspiration" si award-winning actress Bea Alonzo sa kanyang Start Up PH co-star na si Asia's Multimedia Star Alden Richards.
Namamangha daw kasi si Bea sa disiplinang ipinapamalas ni Alden pagdating sa pagkain at exercise.
"He inspires me to be healthy because, grabe, ang sipag niya mag-workout. He really eats healthy. He eats right. Kapag nakikita ko kung paano niya ginagawa, talagang nai-inspire ako parati," pahayag ni Bea habang kasama si Alden sa isang event ng food product na pareho nilang ine-endorse.
Image Source: aldenrichards02 (IG) / beaalonzo (IG)
Samantala, malapit nang bumalik sa taping ng much-awaited Philippine adaption ng Start Up sina Alden at Bea.
Ito ang unang regular na serye ni Bea matapos pumirma ng kontrata sa GMA. Mabilis daw siyang nakapag-adjust sa bagong environment dahil kay Alden.
"He's fun to be around. 'Pag nasa set he's very playful. Siguro kasi matagal na rin niyang nakatrabaho 'yung staff na kasama namin dito. He makes sure talaga na lahat tumatawa, magaan, and I appreciate that," paglalarawan ng aktres sa co-star.
"'Yun naman din 'yung the least I could do especially kay B, since nga she's new sa GMA," paliwanag ni Alden.
"Para siyang welcoming committee!" dagdag pa ni Bea.
"Ako 'yung welcoming committee. Ako 'yung taga pa-relax kay B, na parang okay 'to, ganyan lang 'yan dito," pagsang-ayon naman ng aktor.
Panoorin ang buong ulat ni Lhar Santiago para sa 24 Oras sa video sa itaas.
Samantala, narito ang isang eksklusibong sneak peek sa inaabangang Start Up PH, starring Alden Richards and Bea Alonzo: