
Dati nang ibinahagi ni Multimedia Star Alden Richards na isa sa mga hinahangaan niya ang aktres na si Bea Alonzo gayundin ang dating love team partner nitong si John Lloyd Cruz.
Matatandaang noong Pebrero ay namataang magkasama sina Alden at Bea sa Thailand para sa isang proyekto. At kamakailan ay nag-post si Alden ng larawan na kuha sa project na ginawa nila.
Sa eksklusibong panayam ng 24 Oras, ibinahagi ni Alden na nais niyang ulit si Bea sa mas malaking project.
“It's an ad for a campaign. I'm really happy. Sobrang…alam ni Bea 'to, e. Lagi kong sinasabi sa kanya na sobrang fan nila ako ni John Lloyd. Hindi pa ako artista, I've watched a lot of their films,” aniya.
Dahil sa in-upload na larawan ni Alden, marami ang nakapansin sa chemistry ng dalawa at humiling din ang fans na sana ay magkaroon sila ng movie project.
Ito rin ang gustong mangyari ni Alden.
“Looking forward. Sana mas malaking project 'yung pagtrabahuhan namin soon and sana pelikula. Napakagaling na artista, napakabuting tao and I would also like to explore kung ano 'yung kayang ibigay kapag siya 'yung katrabaho ko,” dagdag pa niya.Samantala, tampok ang Centerstage host sa bagong campaign ng Department of Health (DOH) laban sa COVID-19, ang “BIDA Solusyon.”
Soure: aldenrichards02 (IG)
“Ngayon we all need to be united... We have to admit, cases are getting worse in the world hindi lang naman sa atin dito sa Pilipinas,” pagtatapos ni Alden.