
Bukod sa sunod-sunod na career milestones ni Alden Richards, may panibago rin siyang personal achievement sa kanyang buhay.
Sa report ni Aubrey Carampel sa 24 Oras noong Miyerkules, July 29, proud na ibinahagi ng Asia's Multimedia Star na nakalipat na siya sa kanyang dream home.
"This is a home that I can call my own kasi before inayos ko muna 'yung sa family ko," sabi ng aktor.
Ayon kay Alden, inuna niyang mabigyan ng komportableng buhay ang kanyang pamilya bago niya tinupad ang pangarap na magkaroon ng sarili niyang bahay.
"I think I was able to give them a comfortable life already. Ah, ako naman," pahayag niya.
Dahil sa personal na milestone na ito, mas na-inspire si Alden na mas pagbutihin pa ang kanyang career at patuloy na abutin ang kanyang mga pangarap.
"So, itong bahay na 'to, I'm just really proud na at least na-validate lahat ng hard work, and inspires me to go further pa rin," aniya.
Kasalukuyang abala si Alden sa kanyang mga proyekto. Gaganap siya bilang Dr. Greyson Lazaro sa upcoming GMA medical drama series na Code Grey.
Samantala, mapapanood din si Alden kasama si Nadine Lustre sa romantic comedy series na Love, Siargao.
Tingnan naman dito ang iba pang celebrities na nakapagpundar ng bahay para sa kanilang mga pamilya: