
Naghatid ng kilig at good vibes si Alden Richards sa kanyang fans sa watch party ng kanyang romantic comedy series na Love, Siargao.
Sa report ni Aubrey Carampel sa 24 Oras noong Lunes, June 29, ibinahagi ng Asia's Multimedia Star na isa sa mga layunin ng Love, Siargao ang maipakita ang kagandahan ng isla sa mga manonood.
"To really showcase the beauty of the island and the beauty of what we have here in the Philippines," sabi niya.
Bukod sa pagpapakita ng gandang taglay ng Siargao, ibinahagi rin ng Kapuso actor na may mas malalim na mensaheng nais iparating ang serye.
"'Yung deeper meaning of finding where home is. I think ayun 'yung puwede masagot. Kailangan mo bang hanapin or you know, i-pursue 'yung love kahit hindi na siya para sayo," aniya.
Unang pagtatambal nina Alden Richards at Nadine Lustre ang Love, Siargao. Nagsimula itong ipalabas noong June 26 sa Viu Philippines.
Samantala, bibida rin si Alden bilang isang doktor sa upcoming GMA medical drama series na Code Grey kasama sina Christopher de Leon, Romnick Sarmenta, Andrea Torres, Faith Da Silva, Allen Ansay, Shuvee Etrata, Joross Gamboa, Christian Bautista, Kristoffer Martin, at Jon Lucas.
Panoorin ang buong balita dito:
RELATED GALLERY: Alden Richards and Nadine Lustre show undeniable chemistry in 'Love, Siargao'