GMA Logo alden richards
Source: aldenrichards02 (IG)
What's Hot

Alden Richards, naloko sa negosyo noon?

By Aedrianne Acar
Published October 19, 2023 2:27 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Rollback in pump prices seen Christmas week
CNU grads top licensure exams for teachers
Maluhong ina, TINITIPID ang anak at asawang may sakit! | Barangay Love Stories

Article Inside Page


Showbiz News

alden richards


Nagbigay si Alden Richards ng ilang tips sa pag-i-invest para maka-iwas sa scam.

Naging bukas si Alden Richards sa naging panayam sa kaniya ni Ogie Diaz tungkol sa mga hirap na pinagdaanan niya bilang isang negosyante.

Sa latest vlog ng huli, umamin ang Asia's Multimedia Star na may mga taong nagsamantala sa kaniya nang mag-invest siya sa isang negosyo noong 2016.

Kasama ni Alden ang kaniyang leading lady na si Julia Montes sa exclusive interview ni Ogie para sa promotion ng kanilang pelikula na Five Breakups and a Romance.

Dito, ibinahagi ng Sparkle actor sa manager at TV host ang mga pinagdaanan niya bilang businessman.

Lahad ni Alden, “Nasa stage ako ng buhay ko na I seize every opportunity kasi sayang kung hindi naman, kung pinalalagpas lang natin.”

“Parang gusto ko lang matuto doon sa pagkakamali ko noon. Well, especially sa negosyo. Minsan, may mga tao na sasamantalahin ka dahil meron kang i-invest pero wala kang alam. And this came from true to life experience na I don't want to go into details.”

Sundot na tanong ni Ogie, “May mga loses ka rin?”

“'Yung naloko po ako," tugon ng Kapuso star. "Parang, hindi naman po siya parang scam, pero parang ganun. 'Yun kasi ang problema, Mama Ogs, ngayon ko nare-realize, at my age now, that mas okay na mas marami kang alam kesa marami kang pera.

“Kung marami kang pera pero wala kang alam, maraming taong magti-take advantage nun. 'Yun po ang nangyari sa akin way back 2016. During the height of AlDub and talagang buhos”

Alden Richards interview with Ogie Diaz

Source: aldenrichards02 (IG) & Ogie Diaz (FB)

Nag-iwan din ng payo si Alden sa mga viewers ni Ogie Diaz sa pagi-invest ng kanilang pera.

“[Naloko] ng iba't ibang tao. Wake Up call ko 'yun. Ngayon na natutunan ko 'tong mga bagay na 'to parang sabi ko sa sarili ko, 'Paano ako napasok dito?'

“Siyempre, 'yung mga taong nasa industriya ng negosyo lalo na sa mga investments memorize nila yan and kumbaga kung io-offer nila sa'yo 'to alam nila kung paano pagandahin 'yung offer na mapapa-'oo' ka.

RELATED GALLERY: LOOK: Celebrities who are building wealth through their businesses

“Sa mga nanonood po peace of advice: if it's too good to be true, it's not good.”

“Wala pong ganun, I mean, kung magpasok ka ng PhP 10,000 in 15 days magiging PhP 20,000. Parang awa n'yo na po, iligtas n'yo na 'yung sarili sa ganiyan.”

Ang Myriad Entertainment ni Alden Richards ang isa sa mga producer ng Five Breakups and a Romance, katuwang ang GMA Pictures at Cornerstone Studios.