GMA Logo Alden Richards
Photo: aldenrichards02 (Instagram)
What's Hot

Alden Richards on his career: 'I'm in my legacy building stage'

By Marah Ruiz
Published August 15, 2025 4:11 PM PHT
Updated August 15, 2025 5:36 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Off The Record: Throwback time! NIOR reacts to their old photos
Signboard na nakikita sa mga jeepney, ginawang keychain at pumatok
11 bodies believed to be from sunken vessel found off Basilan

Article Inside Page


Showbiz News

Alden Richards


Inilarawan ni Alden Richards ang estado ng kanyang career matapos makatanggap ng isang bagong parangal.

Isa si Asia's Multimedia Star Alden Richards sa mga pinarangalan bilang Men Who Matter para sa taong 2025 ng lifestyle magazine na People Asia.

Masaya si Alden sa natanggap na pagkilala dahil patunay na ito na nasa tamang kabanata na siya ng kanyang career.

"Ang sarap lang sa pakiramdam kasi parang nagbubunga lahat noong mga works ko behind the camera. I'm in my legacy building stage. The question, every day, that pops in my head is, 'How do you want to be remembered by the people around you?'. That's the reason why I keep on doing what I'm doing," pahayag ng aktor sa kanyang 24 Oras interview.

Bukod kasi sa pag-arte, naging abala rin si Alden sa kanyang multimedia company work na nagpo-produce ng mga pelikula, concerts, at iba pang events.

Nasubukan na rin ni Alden na mag-direct ng pelikula. Nag-premiere na ang directorial debut film niyang Out of Order sa isang international film festival.

Sa kabila ng lahat ng ito, binibigyan pa rin ng oras ni Alden ang kanyang self-development.

Nagsimula na siya sa pilot training bilang katuparan ng isa sa kanyang mga pangarap bago pa man mag-artista.

"The reason why it is happening to me right now is alam ni Lord, one way or another, that I am going to be able to finish that. I am taking it one step at a time. Wala akong minamadali," sabi ni Alden.

Naglalaan din siya ng oras para sa mga hobbies niya, tulad ng pagbibisikleta.

Sa unang pagkakataon, sumali siya sa isang gravel cycling race at natapos ang 71 kilometers na ride.

"It is a humbling experience. Ang sarap lang sa pakiramdam na the only thing that matters to me that time was, of course, safety is number one, but it was just me and my bike and the rain and the finish line. Ang saya! Uulitin ko 'yun," bahagi aktor.

Panoorin ang buong panayam ni Aubrey Carampel kay Alden Richards para sa 24 Oras sa video sa ibaba.

Samantala, nominado si Alden bilang Best Actor sa kapitapitagang 73rd Filipino Academy of Movie Arts and Sciences (FAMAS) Awards.

Para ito sa pagganap siya sa worldwide blockbuster hit na Hello, Love, Again.

Photo: gmapictures (Instagram)

Nominado rin bilang Best Actress ang co-star niya na si Kapamilya actress Kathryn Bernardo. Kabilang din ang Hello, Love, Again sa nominees para sa Best Production Design, Best Musical Score, at Best Editing.

Nakatakdang itatanghal ang gabi ng parangal ng FAMAS 2025 sa August 22 sa Manila Hotel.