
Ang lola ni Alden ang tumayong pangalawang ina nito mula nang pumanaw ang kanyang ina na si Rosario Faulkerson.
Hindi nakalimutan ng AlDub actor na si Alden Richards na batiin ang kaniyang lola ngayong Mother’s Day, May 8.
Ito na rin kasi ang tumayong ina ng Pambansang Bae matapos yumao ang kaniyang nanay na si Rosario Faulkerson noong siya ay 16-years-old pa lamang.
Nagbigay pugay si Alden sa kaniyang lola sa post nito sa Twitter.
To my BEST EVER lola who never made me feel I was w/o a mom's love; to my mom, my NO.1 in everything #TenderMOMents???? pic.twitter.com/nEN6pjrxsP
— Alden Richards (@aldenrichards02) May 7, 2016
READ: Alden Richards claimed mom’s faith in him and his faith in God brought miracles to his life
May special greeting din ang ama ni Alden na si Richard Faulkerson, Sr. para sa lahat ng nanay sa buong mundo.
Happy Mother's po! ?????????? pic.twitter.com/SZe6gd8W9L
— Richard Faulkerson© (@R_FAULKERSoN) May 8, 2016
Tila excited na rin ang Kapuso hunk sa pagpunta nila ni Maine Mendoza sa Italy para i-shoot ang kanilang solo movie.
This is it. ????????
— Alden Richards (@aldenrichards02) May 7, 2016
IN PHOTOS: Despedida ng AlDub bago sila lumipad papuntang Italy
MORE ON ALDUB:
Celebrity fans of AlDub
Kristoffer Martin, proud sa new business ng matalik na kaibigan na si Alden Richards
MUST-SEE: Maine Mendoza, kasama sa #Eleksyon2016 coverage ng GMA News and Public Affairs?