
Matapos ang kanyang directorial debut, handa na muli si Alden Richards para sa kanyang susunod na proyekto bilang direktor.
Sa panayam ng GMA Integrated News sa kanya sa 24 Oras noong Miyerkules, December 3, ibinahagi ni Alden na nais niyang mag-focus sa kanyang career bilang direktor.
“I'd like to do a project na director lang ako, and I think that's my next, that's my priority,” sabi ng aktor.
Dagdag pa niya, “Parang totally focused ka lang sa storytelling, how you want the characters to be laid down.”
Ibinahagi rin ni Asia's Multimedia Star ang kanyang dream project at kung sino ang nais niyang makatrabaho sa susunod niyang proyekto.
“Baka masyadong ambitious, pero sana si Kuya Dong (Dingdong Dantes) at si Ate Yan (Marian Rivera),” sagot ng aktor.
“I've always looked up to both of them. With Kuya Dong and Yan, I just want to see them in the eyes of a director rather than a friend and a co-actor on a project,” paliwanag niya.
Kasalukuyang busy naman si Alden Richards para sa kanyang upcoming fan meet na pinamagatang ARXV: Moving ForwARd - The Alden Richards Ultimate Fanmeet, na gaganapin sa December 13, 2025, sa Sta. Rosa Laguna Multi-purpose Complex.
Ipinalabas ang directorial debut film ni Alden na Out of Order sa Netflix noong October 2 at naging No. 1 ang pelikula sa streaming platform. Ipinalabas din ang drama-thriller film sa 3rd Da Nang Asian Film Festival sa Vietnam noong June 29 hanggang July 5.
Kasama ni Alden Richards sa pelikula sina Heaven Peralejo at Nonie Buencamino.
RELATED GALLERY: Alden Richards's defining moments in showbiz