
Matapos ang kanyang refreshing na bakasyon sa Italy, ready na ulit si Alden Richards na magbalik-trabaho at salubungin ang kanyang bagong pelikula na Out of Order.
Sa report ni Aubrey Carampel sa 24 Oras nitong Lunes, September 22, hindi napigilan ni Asia's Multimedia Star ang maging proud sa kanyang bagong pelikula, na hindi lang niya pinagbidahan, kundi siya rin mismo ang nagdirek bilang kanyang first directorial film.
“Actually, this is my first project na I actually wore three hats, it's not easy, but fulfilling in so many ways,” sabi ni Alden.
Inamin ng aktor na kahit may fulfillment, dama rin niya ang matinding pagod, “physically at mentally.” Ngunit lagi raw siyang bumabalik sa mga tanong na “Why are you doing this?” at “Why did you start doing this?” na nagsisilbing inspirasyon niya para magpatuloy.
Dagdag pa niya, “It's because I wanted to give back, andun pa rin naman ako palagi, always give back to the industry. I want people to see that these are all the things I have learned in my 15 years here in the business.”
Ipinasilip din nitong Lunes, September 22, ang official trailer ng Out of Order, kung saan gumanap si Alden bilang isang lawyer, kasama ang beteranong aktor na si Nonie Buencamino at si Heaven Peralejo.
Lumahok na rin sa iba't ibang film festivals sa ibang bansa ang pelikula, kabilang ang Da Nang Asian Film Festival sa Vietnam at Jagran Film Festival sa India.
“It is a courtroom drama concept. It is about justice, about always seeking the truth at the end of the day because only the truth will matter with all the things that is happening to our lives right now,” ikinuwento ng aktor tungkol sa pelikula.
Mapapanood ang Out of Order sa Netflix sa October 2.
Panoorin ang buong balita dito:
Samantala, balikan dito ang career highlights ni Alden Richards: