
Hindi napigilan ni Asia's Multimedia Star at Box Office King Alden Richards ang kaniyang tuwa matapos mapanood ang pilot episode ng pinakabagong dance competition na Stars on the Floor.
Ayon sa report ni Nelson Canlas sa 24 Oras nitong Huwebes, July 3, sobrang ipinagmamalaki daw ni Alden ang success ng naturang dance show.
Natutuwa din ito dahil nakikita ng mga Kapuso ang dedikasyon at pagsusumikap ng celebrity at digital dance stars na maghatid ng pasabog na performances sa iba't ibang genre ng sayaw.
"Sobrang happy po kami sa magandang feedback ng mga Kapuso natin with this show. Kitang kita lang how our hardwork, passion, and enjoyment shows doon sa content ng show and tuloy tuloy lang po, marami kaming inihanda para sa inyo," sabi ni Alden.
Abala man bilang host ng Stars on the Floor, hindi nagpahuli si Alden sa kaniyang iba pang tagumpay. Kamakailan lamang, naimbitahan ang aktor sa Da Nang International Film Festival sa Vietnam para sa kaniyang pinakaunang directorial project na Out of Order.
Pinangalanan din si Alden bilang Phenomenal Box Office King sa 53rd Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation Box-Office Entertainment Awards 2025 para sa kaniyang pelikulang Hello, Love, Again.
Patuloy na abangan si Alden sa Stars on the Floor tuwing Sabado, 7:15 p.m. sa GMA.
Samantala, balikan dito ang career highlights ni Alden Richards: