GMA Logo Alden Richards and Barbie Forteza
What's Hot

Alden Richards, proud sa pagsali ni Barbie Forteza sa advocacy runs

By Karen Juliane Crucillo
Published April 16, 2025 5:49 PM PHT

Around GMA

Around GMA

2 nabbed, P3.92M in smuggled cigarettes flagged at checkpoint
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras
Rider who obstructs firetruck in Bacolod City identified

Article Inside Page


Showbiz News

Alden Richards and Barbie Forteza


Alden Richards on Barbie Forteza's advocacy runs: "Nakaka-proud"

Ngayong taon, parehong nasa fitness era ang Kapuso stars na sina Alden Richards at Barbie Forteza. Mas naging makabuluhan pa nga ito dahil sa kanilang paglahok sa mga fun runs na may layuning tumulong at magbigay-inspirasyon.

Sa isang panayam, ibinahagi ni Alden na proud siya sa kaniyang running mate na si Barbie dahil sa pagiging aktibo nito sa pagsali sa mga advocacy fun runs.

"Nakaka-proud si Barbie. Tumatakbo na din siya sa mga fun runs na may kinalaman sa Women's health diba, so Women's Day run, and I think that's the higher purpose of it when you do things," sabi ni Alden.

Dagdag niya, "Minsan hindi mo na lang siya gagawin for your own benefit 'e. Like when I commit to different things in life, hinahanap ko ano ba yung purpose nito, what good it could do to everybody who's involved.”

Ikinuwento ni Alden na nagsimula siyang tumakbo noong nakaraang taon at ngayon ay mas mayroon na siyang "time management" para gumawa ng iba't ibang physical activities tulad ng running, cycling, at crossfit.

Para mas maging makabuluhan ang kaniyang fitness journey, sinisikap ni Alden na sumali sa iba't ibang fun runs na may purpose.

Kamakailan lamang, sumali si Barbie sa kanyang unang fun run upang suportahan ang mga batang may cancer, at kasunod nito ay ang kaniyang pagtakbo para sa adbokasiya laban sa karahasan sa mga kababaihan.

A post shared by Barbie Forteza (@barbaraforteza)

A post shared by Barbie Forteza (@barbaraforteza)


Tingnan dito ang iba pang mga celebrities na nag-e-enjoy sa kanilang running era: