GMA Logo  Alden Richards
Photo source: 24 Oras
What's Hot

Alden Richards, puno ng excitement para sa kanyang projects ngayong taon

By Karen Juliane Crucillo
Published January 21, 2026 6:48 PM PHT
Updated January 21, 2026 6:48 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Man attending fiesta in MisOr stabbed dead
NCAA: Arellano, Letran reignite rivalry in Group B as Season 101 men’s volleyball kicks off
CinePanalo and FDCP partner to open global opportunities for Filipino filmmakers

Article Inside Page


Showbiz News

 Alden Richards


Excited na si Alden Richards sa mga gagawin niyang proyekto ngayong 2026.

Handa na muling sumabak si Alden Richards sa hosting at acting ngayong 2026.

Ayon sa report ni Nelson Canlas sa 24 Oras noong Martes, January 20, ibinahagi ni Asia's Multimedia Star ang kanyang excitement dahil sinisimulan na niyang gawin ang mga nakapila niyang projects ngayong taon.

Isa sa comeback project ni Alden ang kanyang hosting stint sa Stars on the Floor. Noong January 15, inanunsyo ang pagbabalik ng COLLABanan sa sayawan sa Stars on the Floor 2026.

“Excited po kami. This coming February 15 na po 'yan sa GMA and panibago na naman pong pag-showcase ng pangmalakasan na sayawan kasama ang ating mga celebrity dance stars, and ngayon, P-pop dance stars naman ang makaka-collab nila,” kuwento ni Alden.

Pagdating naman sa acting, magkakaroon ng bagong katambal si Alden kasama ang Kapamilya actress na si Nadine Lustre.

Ibinahagi ng Sparkle artist na sisimulan na nila ang taping para sa kanilang serye na Love, Siargao ngayong first quarter ng taon.

“Excited, of course, working with Nadine, and it will be streaming on Viu. It's going to be our love letter to the Filipinos that will tell them hindi natin kailangan lumabas ng bansa para makita 'yung ganda sa harap natin,” pahayag niya.

Maliban sa kanyang showbiz career, abala rin si Alden bilang businessman dahil kamakailan ay binuksan na ang kanyang bagong fast food restaurant sa Sta. Rosa, Laguna, kung saan dumalo at sinuportahan siya ng kanyang Tween Hearts co-stars na sina Barbie Forteza, Kristoffer Martin, at Bea Binene.

Abangan si Alden sa Stars on the Floor 2026 simula February 15 sa GMA.

Panoorin ang buong panayam dito:



Video courtesy of GMA Integrated News

RELATED GALLERY: Alden Richards's defining moments in showbiz