
Puspusan na ang paghahanda ni Asia's Multimedia Star Alden Richards para sa kanyang four-city concert sa Amerika. Dadalhin ni Alden sa California, Illinois, at Florida ang kanyang documentary-concert na 'ForwARd: Meet Richard Faulkerson, Jr.'
Sa post ng GMA Pinoy TV sa Instagram, ibinahagi nito ang ilang larawan ni Alden kasama ang vocal coach at miyembro ng The Company na si Annie Quintos.
Gaganapin sa San Mateo, California sa September 3 ang unang performance ni Alden sa US at susundan ito kinabukasan sa Valley Center, California.
Sa September 10 naman ay magpe-perform si Alden sa Chicago, Illinois bago siya tumungo sa Jacksonville, Florida kinabukasan.
Makakasama ni Alden sa kanyang concert sa US ang aktres na si Sue Ramirez.
Bukod sa 'ForwARd,' mapapanood din si Alden sa Start-Up Ph sa September kung saan makakasama niya sina Bea Alonzo, Yasmien Kurdi, at Jeric Gonzales.
SAMANTALA, ANG MAS KILALANIN PA SI ALDEN SA MGA LARAWANG ITO.