GMA Logo Alden Richards
Photo source: 24 Oras
What's on TV

Alden Richards, ready na ang suit para sa GMA Gala 2025

By Karen Juliane Crucillo
Published July 31, 2025 2:53 PM PHT

Around GMA

Around GMA

DSWD: Over P8.4M in relief aid given to Albay LGUs affected by Mayon Volcano unrest
Tagbilaran and Toledo are big winners in #Sinulog2026 Grand Parade
Farm to Table: (January 18, 2026) LIVE

Article Inside Page


Showbiz News

Alden Richards


Excited at all set na si Alden Richards para sa nalalapit na GMA Gala 2025!

Sa nalalapit na GMA Gala 2025, handang-handa na si Asia's Multimedia Star at Box Office King Alden Richards makisaya sa engrandeng gabing puno ng selebrasyon.

Sa report ni Nelson Canlas sa 24 Oras nitong Huwebes, July 30, ibinahagi ni Alden ang kaniyang excitement para sa GMA Gala 2025.

"Ayun ready na 'yung suit natin for that," patikim ni Alden tungkol sa kaniyang susuotin.

Maliban sa kaniyang look, excited din ito na makipag-bonding sa kaniyang co-stars.

"This is one for the books and medyo inaabangan na talaga and talagang most of it, 'yung bonding talaga with my co-actors sa GMA," sabi nito.

May latest achievement naman si Alden dahil sinimulan na nito ang kaniyang training sa flying school para maging isang piloto.

Sa loob ng 15 na taon na kaniyang pagiging isang artista, ibinahagi nito na ito na din ang tamang panahon na abutin niya ang kaniyang personal na pangarap at pangarap ng kaniyang ama para sa kaniya.

“Since nagkaroon ako ng isip sa mundo, parang meron akong core objective to fulfill my parents' dreams na hindi nila natupad in their lifetime. And surprisingly, kagaya ng showbiz para sa nanay ko, for me, ito naman, dream ni dad for himself, pero eventually, nagustuhan ko na rin,” ipinaliwanag ni Alden.

A post shared by Alden Richards (@aldenrichards02)

Samantala, subaybayan naman si Alden bilang host sa Stars on the Floor tuwing Sabado, 7:15 p.m. sa GMA.

Tingnan dito ang career highlights ni Alden Richards: