
Patuloy ang journey ni Asia's Multimedia Star Alden Richards para maging isang piloto.
Sa katunayan, regular siyang pumasok sa aviation school sa Pampanga kung saan siya naka-enroll.
"Fun! First time ko after 15 years [na] magkaroon ulit ng classmate. Grabe, it's very surreal," paglalarawan ni Alden sa muling pagpasok sa eskuwelahan.
Masaya din daw siya na makakilala ng mga tao na kapareho niya ng pangarap.
"At saka kahit ako 'yung pinakamatanda sa batch namin, 'yung mindset ko naman is same wavelength sa kanila," lahad ng aktor tungkol sa mga kaklase niya.
Hindi daw sasayangin ni Alden ang pagkakataon na matuto ng mga bagong bagay, lalo na at matagal na niyang pinangarap ang maging piloto.
"Ang sarap lang din ng experience na nakakapasok ka sa classroom ulit. You get to listen to your instructor, you get to study subjects," aniya.
Hindi rin daw problema para sa kanyang na pagkasyahin sa kanyang busy schedule ang pagpasok sa pilot school.
Bukod kasi sa iba't ibang showbiz commitments, may mga negosyo din si Alden.
"Again, 'yung lagi kong sinasabi, it always boils down to time management. Walang busyness sa mga bagay na gusto mong gawin," pahayag ni Alden.
Nagte-training din daw siya sa pagsabak sa iba't ibang sports na nais niyang subukan.