
Nag-kuwento si Alden ng tungkol sa Europe trip nila ni Maine sa Yan Ang Morning! na show ni Marian Rivera.
Sa guesting ni Alden at Maine sa Yan Ang Morning!, nai-kuwento ng dalawa ang kanilang experience sa Italy. Inamin din nila na hindi nila in-expect na sa Europe sila magsho-shoot for Imagine You and Me.
Ika ni Maine, “Nagulat, nagulat ako [na sa Italy nga.]” Dagdag naman ni Alden, “Ako, akala ko binibiro lang kami. Parang joke siya.”
Ang reason daw sabi ni Maine: “Kasi naman kung sabihin, ‘Oi, magkaka-movie kayo na sa Europe ishu-shoot,’” Kaya agad na naisip ng aktres, “Joke ba ito?”
Pareho naman silang napaisip na “sana, sana matuloy,” kaya laking tuwa nila nung natuloy nga ang kanilang Europe trip.
Ano naman kaya ang favorite moments nilang dalawa abroad?
Ika ni Alden, “’Yung mga moments namin pag walang camera.”
Sabi naman ni Maine, “Yung kaming dalawa.” Paliwanag naman ng dalaga, “Hindi namin masyado nagagawa ‘yun dito together.”
Nang tanungin ni Marian kung nakapag-date sila, ang tanging sagot ni Alden: “Kasi basically, 'pag kaming dalawa lang, 'yun na 'yung date namin.
MORE ON 'YAN ANG MORNING!':
Kris Aquino on her health: "Feeling mo makina ka, hindi mo nare-realize na may singil pala"
Kris Aquino to Marian Rivera: “Ang ganda ng anak mo, hintayin ni Bimb”