
Sa kabila ng kaniyang pagiging sikat na artista, bibihira naman ang impormasyon tungkol sa buhay pag-ibig ni Asia's Multimedia Star Alden Richards.
Sa Fast Talk with Boy Abunda, sinagot na ni Alden ang tanong kung bakit pinili niyang gawing pribado ang kaniyang love life.
“Richard, bakit napaka-pribado mo pagdating sa pag-ibig?” tanong ng batikang TV host na si Boy Abunda kay Alden.
Paliwanag ng aktor, “Parang 'yun na lang 'yung kaya kong i-protect Tito Boy. I think that's the only thing na I can save.”
Dagdag pa niya, “Kasi kinakalkal po every day e. But mabait naman po ang mga press people natin, napapakiusapan naman sila."
“Kung baga, 'Wag n'yo na lang pong tanungin, boring po 'yung love life ko.'”
Paniniwala naman ni Alden tungkol sa pag-ibig, “I think we are all looking for it. Love is… iba't ibang klase ang love Tito Boy e. Iba ibang sensation siya e, puwede siyang physical.”
Ayon pa kay Alden, nakagawa na rin siya ng mga bagay na hindi inaasahan dahil sa pag-ibig.
“Of course, love makes us do irrational things parang when you're in love parang sky is the limit,” ani Alden.
Aminado rin ang aktor na malaking bahagi ang kaniyang career kung bakit naging pribado ang kaniyang love life.
Aniya, “I wouldn't say that my career is always right but maybe it's not yet the right time for love para po sa akin.”
KILALANIN ANG MGA NAGING LEADING LADY NI ALDEN RICHARDS SA GALLERY NA ITO: