
"See you soon."
Ito ang mensahe nina Asia's Multimedia Star Alden Richards at Sanya Lopez sa tinaguriang "starmaker" na si Johnny Manahan, o mas kilala sa tawag na Mr. M.
Pumirma noong July 13, ng kontrata si Mr. M bilang consultant ng GMA Artist Center kasama sina GMA Chairman and CEO Atty. Felipe L. Gozon, President and COO Gilberto Duavit, Jr., and EVP and CFO Felipe S. Yalong.
Saad pa ni Alden, "Welcome po at sana po maging masaya po ang pag-stay niyo po dito sa GMA."
Tatanawin naman ni Sanya na isang karangalan at makatrabaho si Mr. M.
Isa kasi si Sanya sa nabanggit ni Mr. M na gusto niyang makatrabaho sa Kapuso network.
Pahayag ni Sanya, "Sa dami niyo na rin pong natulungan at napasikat, it will be a proud moment for all of us."
"Welcome po dito sa GMA, Mr. Johnny Manahan."
Samantala, kilalanin ang nag-iisang Johnny Manahan dito: