
Espesyal ang 2025 para sa Asia's Multimedia Star na si Alden Richards sapagkat ipagdiriwang nito ang kaniyang ika-15 na taon sa showbiz.
Ngunit ayon kay Alden sa 24 Oras report nitong Biyernes, November 28, hindi lamang mga palabas, pelikula, at awards ang highlights ng kaniyang karera.
Para kay Alden, “The lives that I was able to touch.”
“Kaya siguro ako nalagay dito sa sitwasyon na 'to, is I think it's my mission to really give out,” paliwanag ng aktor.
Dagdag pa nito, “Parang vessel lang ako of all the blessings that's coming in the way because alam ni Lord, at the end of the day, I'm going to be able to share it to people who are in need.”
Gaganapin ang fan meeting ni Alden na pinamagatang ARXV: Moving ForwARd - The Alden Richards Ultimate Fanmeet sa December 13, 2025, sa Sta. Rosa Laguna Multi-purpose Complex.
Ayon sa aktor, isa itong event ng “gratitude,” “appreciation,” at pagbibigay-pugay sa mga naging parte ng kaniyang 15 taon sa industriya.
Mabibili ang tickets sa fan meeting ni Alden sa https://arxv.helixpay.ph/
RELATED GALLERY: DEFINING MOMENTS OF ALDEN RICHARDS IN SHOWBIZ