Matapos pag-usapan ng buong AlDub Nation ang first McDonald's TV commercial shoot ni Maine Mendoza a.k.a Yaya Dub, kumalat naman sa social media ang larawan ng Pambansang Bae Alden Richards na ‘tila kumukumpirma na makakasama siya ng Dubsmash Queen dito.
Isang larawan ang ipinost sa Instagram kung saan game na nag-pose si Alden kasama ang mascot ng fast food chain na si Ronald McDonald.