
The wait is over dahil nakasama na ni Will Ashley na mag-perform sa iisang stage ang Asia's Multimedia Star na si Alden Richards, ang isa sa mga hinahangaan niya sa showbiz.
Sa unang parte ng solo concert ni Will, non-stop ang hiyawan ng fans nang nakita sa stage ang A-list Kapuso star na si Alden Richards.
Si Alden ang first surprise guest ng Sparkle actor para sa mga dumalo sa event.
Masayang nag-perform at nag-duet on stage sina Will at Alden, na lubos namang nagdala ng saya sa audience.
Gulat na gulat ang marami lalo na't hindi talaga umano nila ine-expect na darating si Alden sa concert.
Panoorin ang video sa ibaba.
Courtesy: Sparkle GMA Artist Center
Samantala, bukod kay Alden, spotted din sa concert bilang guest ang ex-housemate ni Will Ashley na isini-ship din sa kanya na si Bianca De Vera.
Si Will ay mapapanood bilang isa sa mga bida ng upcoming film na Love You So Bad, kung saan co-lead stars niya ang kanyang former housemates na sina Bianca De Vera at Dustin Yu.
Kabilang din si Will sa cast ng pelikulang Bar Boys: After School, na gaya ng Love You So Bad ay isa rin sa entries sa Metro Manila Film Festival o MMFF ngayong taon.
Related gallery: Will Ashley's transformation over the years