GMA Logo
Celebrity Life

Alden Richards, tahimik ang pagtulong sa Taal evacuees

Published January 22, 2020 11:39 AM PHT
Updated January 26, 2020 6:22 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Signal No. 1 hoisted in 21 areas as Wilma nears Eastern Visayas
#WilmaPH maintains strength, moves slowly toward E. Visayas
'A Christmas Carol' brings the holiday spirit to the Philippine stage

Article Inside Page


Showbiz News



Sa kabila ng mga batikos, patuloy ang tahimik na pagtulong ni Alden Richards sa mga nasalanta ng Bulkang Taal.

Nasa Japan si Asia's Multimedia Star Alden Richards nang pumutok ang Bulkang Taal noong January 12, 2020.

Alden Richards
Alden Richards


Dahil dito, nakatanggap ang aktor ng mga akusasyong hindi ito tumutulong sa mga naapektuhan ng pag-aalburoto ng bulkan.

Agad naman itong pinabulaanan ng kanyang amang si Richard Faulkerson Sr. Ibinahagi ng tinaguriang "Daddy Bae" na kahit nasa Japan ang anak, humiram pa ito ng pera sa kanya para ipaabot sa isang taong humihingi ng tulong.

Pauloy din ang tahimik na pagtulong ni Alden sa mga nasalanta sa pamamagitan ng kanyang restaurant branches na tumatanggap ng relief goods para sa mga evacuees.

📢🙏🙏🤝

A post shared by Daddy Bae© (@daddy__bae) on


Ipinagtanggol din ng veteran showbiz writer na si Lolit Solis si Alden na aniya ay kilala sa pagiging matulungin at mapagbigay.

Kung minsan talaga Salve, hindi mo masisisi ang mga artistang napipikon sa mga basher. Lahat ng gawin nila hinahanapan ng mali. Ilan sa mga artista na tutoong matulungin at aware sa mga nagaganap ay sila Dingdong Dantes, Luis Manzano at Alden Richards. Tunay at galing sa puso ang pagtulong nila, hindi nila ipinag-iingay, hindi sinasabi sa media pero alam mo na kumikilos sila para tumulong. Mula't sapul sa umpisa pa lang ng career nila, nandun na sa puso nila ang pagmamahal sa less fortunate. Mababalitaan mo na lang na may natulungan sila, meron ibinigay na tulong, nagpahatid biyaya pag iyon mismong tao na natulungan nila ang nagsalita. Legendary iyon pagiging charitable nila Dingdong, Luis at Alden. Marami ang nagpapatunay ng pagiging generous ng tatlong actor, kaya sana, iyon mga judgemental at walang magawa kundi pumuna ng kapwa nila tumigil na. Iyon pagtulong na bukal sa loob si God ang nakakaalam, at siya ang magbibigay-biyaya sa tao na nagbigay nito. Usually iyon maingay at nanunumbat iyon ang walang itinulong. Dapat mabaon sila sa ashfall at kainin ng bulkan Taal. #classiclolita #takeitperminutemeganun #72naako

A post shared by LolitSolisOfficial (@akosilolitsolis) on


Ganito rin ang naging komento ng isa pang veteran showbiz writer na si Nitz Miralles. Ayon sa kanya, kung hindi ipino-post ng mga artista ang pagtulong sa social media, hindi nangangahulugang hindi tumutulong ang mga ito.

Magandang balita sa resto owners sa may Tagaytay Ridge area sa Tagaytay ang balitang starting today restos in that area will reopen after PHIVOLCS announcement that Tagaytay Ridge area is safe. May branches ng Concha's Garden Cafe sa Tagaytay Ridge area sina @aldenrichards02 and his co-owner kaya premature ang pagsasaya ng bashers ng actor na magsasara ang resto business nito at malulugi. Also, tumatanggap ng donations ang Silang, Cavite branch at QC branch ng Concha's sa mga evacuees ng Taal volcano eruption at titak katulong nito si Alden kaya mali ang presumption ng bashers ng actor na hindi ito kumikilos at tumutulong. Tama lang na ipagtanggol si Alden ng kanyang ama dahil marami nang natulungan ang anak na hindi natin alam. #SanaWalaNgNegaMagtulunganNaLangAtMagdasal

A post shared by Nitz Miralles (@nitzcape) on


Hanggang ngayon, nananatiling tahimik ang aktor at pinipiling mag-focus sa trabaho at sa pagtulong nang walang publicity.


LOOK: Dingdong Dantes at Rocco Nacino, nakibahagi sa relief operations sa Batangas

LOOK: 'Mia' producers to donate to the victims of Taal Volcano eruption