What's on TV

Alden Richards, tanggap ang 'beautiful pressure' ng 'The Gift'

By Marah Ruiz
Published September 12, 2019 5:44 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Dennis Trillo amid AACA 2025 win for 'Green Bones': 'Importante, matuto 'yung mga tao sa kuwento'
Son of viral PUJ driver hired by DPWH after passing board exam
GMA Pinoy TV Supports OFW Empowerment at the 17th PHILSME Business Expo

Article Inside Page


Showbiz News



Ayaw daw kasi ni Alden na maging kampante bilang isang aktor kaya welcome sa kanya ang tinawag niyang "beautiful pressure" ng 'The Gift.'

Lalong inspired ngayon na magtrabaho si Kapuso actor at Asia's Multimedia Star Alden Richards.

Ito ay matapos niyang matanggap ang Asian Star Prize sa 14th Seoul International Drama Awards at mabigyan ng bagong moniker bilang Asia's Multimedia Star.

Alden Richards wins Asian Star Prize at the Seoul International Drama Awards 2019

Kaakibat ng blessings na ito ang pressure na maging matagumpay ang kanyang future projects, lalo na at balik-primetime siya sa upcoming GMA Telebabad series na The Gift.

Ginagamit naman daw niya sa positibong paraan ang pressure na nararamdaman.

"Sa lahat naman po ng projects meron niyan. 'Yung pressure pong 'yun, mas maganda po kung nagagamit natin siya sa magandang paraaan. Napu-push 'yung sarili natin na makagawa ng hindi natin kayang gawin dati.

"Ako po, I really encourage the feeling of being pressured ang yung feelng na kailangan may maibigay ka, may mapatunayan ka dito sa mga proyektong ginagawa mo," paliwanag ni Alden.

Ayaw daw niya kasing maging kampante bilang isang aktor kaya welcome sa kanya ang tinawag niyang "beautiful pressure" ng The Gift.

"It really helps kesa 'yung relaxed ka lang, nasa comfort zone lang ikaw, kumportable ka lang lagi sa ginagawa mo and ayaw mo nang lumabas doon kasi feeling mo, 'pag lumabas ka doon hindi mo magagamapanan ng tama 'yung dapat mong gawin.

"May pressure po, pero it's a beautiful pressure," pahayag ng aktor.

Alden Richards sparks hope and finds his true purpose in GMA's 'The Gift'

Sa The Gift, gaganap si Alden bilang ang Divisoria vendor na si Sep. Dahil sa isang aksidente, mabubulag si Sep pero mabibiyayaan ng kakayanang makita ang nakaraan at hinaharap.

"Dito po sa teleserye namin, asahan niyo po na matatawa kayo--may comedy [at] siyempre may mga intense na eksena. Higit po sa lahat, [dapat abangan] 'yung drama ng buhay, 'yung tunay na drama ng buhay.

Alden Richards
Alden Richards

"Na-miss ko pong gumawa ng ganitong klaseng teleserye na ganito 'yung role ginagampanan," paglalarawan ni Alden sa serye.

Huwag palampasin ang world premiere ng The Gift, September 16 na sa GMA Telebabad.