What's Hot

Alden Richards tapped for 'Bida Ang May Disiplina' campaign

By Dianara Alegre
Published September 18, 2020 10:42 AM PHT

Around GMA

Around GMA

SEA Games: Joanie Delgaco, Kristine Paraon strike gold in rowing
Chavit Singson to meet Miss Universe next month to negotiate, possibly buy the organization?
APSEMO holds emergency meeting as Mayon shows increased activity

Article Inside Page


Showbiz News

alden richards bida ang may disiplina campaign


Kasama ni Alden Richards bilang mga ambassador ng “Bida Ang May Disiplina” campaign sina Diether Ocampo, Regine Tolentino, Paolo Bediones, James Deakin, at Jiggy Manicad.

Nagsanib-puwersa ang Department of Interior and Local Government (DILG), Department of Health (DOH), mga pribadong grupo at ilang celebrities kabilang na si Asia's Multimedia Star Alden Richards para sa “Bida Ang May Disiplina” campaign laban sa COVID-19.

Layunin nitong ituro at ipaalala ang wastong pag-iingat o minimum health protocols laban sa COVID-19.

Sa paglulunsad ng naturang kampanya, muling ipinaalala ni DOH Secretary Francisco Duque III ang tatlong “C” na dapat ding iwasan para hindi mahawa ng sakit -- crowded places, close contact settings, at confined and enclosed spaces.

Samantala, isa sa mga celebrity ambassador ng “Bida Ang May Disiplina” campaign si Kapuso actor Alden Richards na nagsabing nais niyang magamit ang kanyang impluwensiya para makatulong na matuldukan ang COVID-19 crisis sa bansa.

“Naniniwala po ako na lahat tayo ay may importanteng role na ginagampanan para masugpo po natin at malabanan natin ang COVID-19.

“Gusto ko pong tumulong sa ating bansa. Gusto ko pong tumulong sa mga kababayan nating naaapektuhan nitong pandemya.

“Gusto ko po sanang gamitin 'yung impluwensiya na mayroon ako para maengganyo po ang bawat isa sa atin na magkaisa para matuldukan na po natin 'yung COVID-19.

Alden Richards

Alden Richards / Source: aldenrichards02

Kasama ng Kapuso actor bilang mga celebrity ambassador sina Diether Ocampo, Regine Tolentino, Paolo Bediones, James Deakin at Jiggy Manicad.