GMA Logo Alden Richards
Celebrity Life

Alden Richards, team bahay muna kasama ang pamilya sa Pasko

By Bianca Geli
Published December 25, 2020 4:42 PM PHT

Around GMA

Around GMA

NBA: Jimmy Butler tears ACL, out for season —reports
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras
Rider who obstructs firetruck in Bacolod City identified

Article Inside Page


Showbiz News

Alden Richards


Kumusta kaya ang naging Pasko ni Kapuso actor Alden Richards ngayong taon?

Maraming plano ang nabago para sa mga Kapuso stars ngayong taon. Kasama na diyan ang kay Asia's Multimedia Star Alden Richards.

Kuwento ni Alden sa 24 Oras, Nakasanayan na ni Kapuso actor Alden Richards na ipagdiwang ang Pasko sa ibang bansa kasama ang kaniyang pamilya, lalo na't naglilingkod bilang isang nurse sa Amerika ang kaniyang nakatatandang kapatid na lalaki.

Ngunit dahil sa banta ng COVID-19, team bahay na muna ngayong taon sina Alden tulad ng nakasanayan niya noong bata pa siya.

"Talagang uulitin namin 'yung nakasanayan naming Pasko na dito lang sa bahay, with family members and close relatives. Simpleng salo-salo lang ulit. Ang pinakaimportante ngayong Pasko para kay Alden ay ang buhayin ang ispiritu ng Pasko na puno ng pagmamahalan at pagbibigayan.

"Kaysa magpaka-depressed tayo sa mga nagiging effect ng pandemic, tingnan na lang natin 'yung ano mang ganda ang naidulot niya. Of course, negative siya at maraming hindi magandang naibigay si COVID sa atin, but for me ang daming natahing distant relationships."

Bago mag-Pasko ay namahagi si Alden sa mga taga-Marikina na nasalanta ng nakaraang mga bagyo. Inihandog ni Alden ang relief goods na galing sa naipon niya mula sa kaniyang online game streaming.

May kakaibang naging handog rin si Alden nitong buwan para sa kaniyang first ever virtual reality concert na 'Alden's Reality,' ang kaniyang sold-out concert ay nag-trend at umabot sa number one spot ng Twitter Trends sa Pilipinas matapos ng pag-ere nito noong December 8.

Ginanap ang 'Alden's Reality' bilang pasasalamat ni Alden sa kaniyang ika-sampung annibersaryo sa industriya.