
Achievement unlocked para sa celebrity chef na si Abi Marquez ang encounter niya kay Asia's Multimedia Star Alden Richards.
Sa Facebook post ng sikat na chef and content creator, makikita ang nakakaaliw na moment kung saan ni-recreate nila ni Alden ang kaniyang sikat na viral meme.
Post ni Chef Abi, “SALAMAT TINUPAD MO PANGARAP KO.”
May nakakatawa ring hirit ang food vlogger kay Alden nang sabihin nito na napakaputi raw ng dila nito.
Ang naturang photo nila ng award-winning Sparkle talent ay may mahigit sa 27,000 likes na sa Facebook.
Kasalukuyang napapanood si Abi Marquez sa high-rating GMA Prime series na Sanggang-Dikit FR na pinagbibidahan nina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo.
Binansagan si Abi bilang “Lumpia Queen” at noong Mayo ay nanalo siya bilang Best Food Blogger sa World Influencers and Bloggers Awards (WIBA) 2025 na idinaos sa Cannes, France.
RELATED GALLERY: Celebrity chefs you should follow now