Sa darating na Valentine's day special ng 'Wish Ko Lang,' gaganap si Alden bilang si PO3 John Lloyd Sumbilla ng Fallen 44.
By AEDRIANNE ACAR
Sa darating na Valentine’s day, gaganap si Kapuso star Alden Richards bilang si P03 John Lloyd Sumbilla sa special presentation ng Wish Ko Lang.
Isa si P03 Sumbilla sa 44 na namatay na police personnel ng Special Action Force (SAF) noong nakaraang buwan sa isang madugong engkwentro sa Mamasapano, Maguindanao.
Mabigat daw na responsibilidad para sa kanya ang gumanap ng ganitong karakter lalo na't ipapakita nila ang mga huling sandali ni Sumbilla.
Ani Alden, “Nandun ‘yung hesitation ng asawa niya na payagan siya, especially specifically dito sa operation na ‘to. Makikita niyo kung paano siya pinigilan nung asawa niya na hindi na tumuloy.”