
Todo ang pasasalamat ni Alden Richards matapos maging number one sa Netflix Philippines ang kanyang directorial debut film na Out of Order.
Ayon sa report ni Aubrey Carampel sa 24 Oras nitong Miyerkules, October 8, ibinahagi ni Asia's Multimedia Star na proud siya sa kanyang pelikula at mas lalo siyang na-inspire bilang isang director.
"This just fuels me to do more films as a director," pahayag ni Alden.
Hindi rin nakalimutan ng aktor ang tiwala at suporta ng kanyang mga tagahanga na naging susi sa tagumpay ng pelikula.
Dagdag pa niya, "Maraming salamat po kasi parang, to all my supporters and to everyone who believes in me, sana I did not fail you with this."
Pinag-iisipan na rin daw ni Alden ang kanyang susunod na pelikula bilang isang director.
Ipinalabas ang Out of Order sa Netflix noong October 2.
Magiging kalahok din ang Out of Order sa Jagran Film Festival sa India sa November.
Samantala, tingnan dito ang career highlights ni Alden Richards: