What's Hot

Alden Richards, totohanan na ba ang halik kay Maine Mendoza?

By CHERRY SUN
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 18, 2020 2:14 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Rachel McAdams is honored with a star on Hollywood's Walk of Fame
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras
Rider who obstructs firetruck in Bacolod City identified

Article Inside Page


Showbiz News



“That just shows how comfortable Maine and I are on and off cam. Talagang ganun na po kami.” - Alden Richards


“Normal naman na po ‘yun sa amin.”

Ito ang naging sagot ni Alden Richards nang paulit-ulit siyang tanungin sa kanyang press conference kahapon, September 27, kung totohanan na nga ba ang mga halik niya sa pisngi ni Maine Mendoza.

Paliwanag pa ng Pambansang Bae, “That just shows how comfortable Maine and I are on and off cam. Talagang ganun na po kami.”

Hindi rin nakaiwas si Alden sa tanong kung ano ang tunay na relationship status nila ng kanyang love team partner. Dito ay ipinahiwatig niya na may mga bagay sa kanyang personal na buhay na mas nais niyang manatiling pribado.

Aniya, “Kumbaga ‘yung sa amin naman po ni Maine, we just keep ‘yung kung ano man pong meron kaming relationship just between the both of us.”

Hindi rin daw siya nagpapaapekto o nape-pressure sa mga iniisip ng kanilang fans tungkol sa kanilang dalawa.

“As long as they’re enjoying the thought of it, and kumbaga masaya po silang nakikita kaming magkasama, okay lang po ‘yun,” wika ni Alden.

MORE ON ALDUB:

LOOK: First photo of Alden Richards and Maine Mendoza was taken a year ago

IN PHOTOS: 15 sweetest and most candid moments of AlDub