
Bilang host ng Stars on the Floor, ibinahagi ni Alden Richards na malapit sa puso niya ang dance show.
Sa report ni Aubrey Carampel sa 24 Oras noong Miyerkules, August 13, inamin ni Asia's Multimedia Star at Box Office King na nakaramdam siya ng "melancholic" feeling nang mapag-usapan ang nalalapit na huling episodes ng naturang show.
"Now that we're reaching almost the end, hindi pa po tapos, mga Kapuso, pero almost the end, medyo may melancholic feeling lang, but kaya naman," sabi ni Alden.
Biro pa ni Alden bilang host, "Malay mo season 2 'no."
Sa buong pagsasama nila sa Stars on the Floor, ibinida ni Alden na talagang naging malapit silang lahat sa isa't isa.
"Nabuo talaga 'yung relationships, naging solid talaga lahat," sabi nito.
Kamakailan lang, nag-perform si Alden ng isang sexy number kasama ang female dance stars na sina Thea Astley, Dasuri Choi, at Kakai Almeda sa special episode nila noong Sabado, August 9.
Sa latest episode ng dance show, na-reveal na rin ang final dance star duos na maglalaban-laban para sa tatanghalin na ultimate dance star duo.
Abangan ang mas maiinit pang pasabog sa Stars on the Floor tuwing Sabado, 7:15 p.m. sa GMA.
Panoorin ang buong balita dito:
Samantala, balikan dito ang mga nagwagi bilang top dance star duos sa Stars on the Floor: