
Muling hinangaan at binansagang "leading man goals" ng fans at viewers si Alden Richards sa kauna-unahang pagtatambal nila ni Nadine Lustre.
Sa “Chemistry Check” challenge nina Alden at Nadine na ibinahagi ng Viu Philippines sa social media, ipinakita ng Asia's Multimedia Star na kilalang-kilala na niya ang kanyang leading lady.
Hindi naman napigilan ng fans at viewers na kiligin sa pagiging “observant” ni Alden kay Nadine, na lalo pang nagpatunay sa natural chemistry ng dalawa.
Natuwa rin sila sa swak na energy ng dalawang aktor, lalo na tuwing magkasama sila sa mga video.
Narito ang ilan sa mga reaksyon ng fans at viewers sa pagiging ultimate leading man ni Alden kay Nadine:
Mapapanood sina Alden at Nadine sa Love, Siargao tuwing Biyernes at Sabado, alas-6 ng gabi, sa Viu Philippines.
Abangan din ang Love, Siargao sa GMA simula September.
RELATED GALLERY: Alden Richards and Nadine Lustre show undeniable chemistry in 'Love, Siargao'