GMA Logo Alden Richards
What's on TV

Alden Richards, 'very sympathetic' dahil sa kaniyang ina

By Kristian Eric Javier
Published November 13, 2024 7:26 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Most parts of PH to see cloudy skies, rain due to 3 weather systems
GMA Kapuso Foundation, naghatid ng tulong sa 8,000 nasalanta ng Bagyong Tino sa Dinagat Islands | 24 Oras
These hotel offerings are perfect for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

Alden Richards


Alamin kung ano ang naituro ng ina ni Alden Richards kung sino siya ngayon.

Aminado si Asia's Multimedia Star Alden Richards na isa sa mga pinakamasakit na goodbye para sa kaniya ay ang pagkamatay ng kaniyang ina na si Rosario Faulkerson. Ayon sa aktor, isang bagay na naituro sa kaniya ng ina ay pagiging sympathetic sa mga tao.

Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Miyerkules, November 13, tinanong ni King of Talk Boy Abunda kung ano ang most painful goodbye para kay Alden. Sabi ng aktor, bukod sa pamamaalam niya noon sa kaniyang ina ay ang pagpaalam niya sa pagkabata.

“Since kailangan ko pong magtrabaho sa murang edad, parang ang dami ko pong I should say hindi nagawa, basically po, finishing school,” paliwanag ng actor.

Nilinaw naman ni Alden na hindi niya pinagsisisihan na kinailangan niyang magtrabaho sa murang edad. Ngunit iyon ang isang bagay na gusto niyang magawa na hindi natupad dahil kinailangan niyang siguraduhin ang kalagayan ng kaniyang pamilya.

Dahil nabanggit na niya ang kaniyang ina, tinanong na ni Boy kung sino ngayon si Alden dahil sa kaniyang mommy Rosario. Sagot ng aktor, “Very sympathetic.”

“I think that's one of the 'yung mga attitudes po na best kong natutunan sa kaniya na growing up, nakita ko kung gaano siya kagaling makisama sa mga tao sa paligid niya, acknowledging people kahit na from all walks of life, hindi namimili,” paliwanag ng aktor.

Pagpapatuloy ni Alden, “Parang everyone deserves to be acknowledge, I think 'yun 'yung nakuha ko po and at the same time, 'yung parang having good intentions with everyone, regardless kung kakilala or hindi.”

Taong 2008 nang pumanaw ang ina ni Alden na si Rosario dahil sa chronic pneumonia. Kuwento ni Alden sa isang dating interview, ang kaniyang ina rin ang nagtulak sa kaniya para mag-artista.

BALIKAN ANG CELEBRITIES NA NAWALAN NA NG KANILANG MGA INA SA GALLERY NA ITO: