
Isa pang pitstop ni Pambansang Bae Alden Richards sa kanyang New York trip ang pagbisita sa kanyang kaibigan at kapwa aktres na si Ana Feleo.
Dahil sa kanyang trabaho bilang acting coach, sa New York muna namamalagi si Ana.
"Finally natuloy na ang date with my baby brother/student. So proud of you!" sulat niya sa caption ng kanyang post.
Naging co-stars sina Ana at Alden sa GMA Telebabad series na Carmela: Ang Pinakamagandang Babae sa Mundong Ibabaw kung saan kasama nila si Primetime Queen Marian Rivera.
Katatapos lang ni Alden ng second leg ng "KS sa US" concert kung saan nakasama niya ang kanyang ka-love team na si Maine Mendoza, pati na sina Jose Manalo, Wally Bayola at Paolo Ballesteros.
MORE ON ALDEN RICHARDS:
IN PHOTOS: Alden Richards and Maine Mendoza in New York
WATCH: Alden Richards, todo-alalay kay Maine Mendoza sa kanilang unang show sa US