
Ano ang mensahe ng AlDub at JoWaPao na talaga namang nakakataba ng puso?
Nagpaabot ng mensahe sina Alden Richards, Maine Mendoza, Jose Manalo, Wally Bayola at Paolo Ballesteros sa ulat ng 24 Oras matapos magawaran ng kani-kanilang awards sa 47th Box Office Entertainment Awards ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation.
Kinilalang Breakthrough Stars of Philippine Movies and TV sina Alden at Maine. Kinilala ring Most Promising Female Star ang Philippine Queen of Dubsmash.
READ: AlDub and other Kapuso celebrities dominate the 2016 Box Office Entertainment Awards
“Thank you po sa Guillermo Awards for the recognition sa amin po ni Maine and to Eat Bulaga, sa My Bebe Love po,” pahayag ng Pambansang Bae.
“Salamat po sa suporta at pagmamahal na binibigay n'yo po sa amin ni Alden,” dugtong naman ni Maine.
Nakamit naman ng JoWaPao ang Bert Marcelo Lifetime Achievement Award.
Mensahe ni Jose Manalo, “Masaya. Masayang masaya at makakakuha tayo ng award. Salamat po sa inyong lahat.”
“Hindi lang basta-basta na award po ‘yan. Siyempre natutuwa po kami. Eto nga ninenerbiyos kami,” dagdag ni Wally Bayola.
Nagpasalamat din si Paolo Ballesteros sa pamamagitan ng isang Instagram post.
“Inaaalay namin [‘yung award] sa lahat ng mga dabarkads,” ani Paolo sa parehong ulat.