What's Hot

AlDub, big winners in the 14th Gawad Tanglaw Awards

By AEDRIANNE ACAR
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 25, 2020 11:46 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Unang Hirit Livestream: December 17, 2025
Dawn fire razes 7 houses in Estancia, Iloilo
Japanese lifestyle brand unveils limited edition 'Evangelion' merch collection

Article Inside Page


Showbiz News



Congratulations, Alden and Maine!


Muling nakatanggap ng pagkilala ang mga Eat Bulaga superstars na sina Maine Mendoza at Alden Richards sa katatapos na 14th Gawad Tanglaw Awards.

Ayon sa ulat ni Nelson Canlas sa Chika Minute ngayong Linggo (April 10) ng gabi, nasungkit ni Alden ang Best Actor para sa mahusay niyang pagganap sa "The Alden Richards story" ng Magpakailanman.

Kinilala rin si Maine bilang Natatanging Tanglaw ng Kabataan sa Sining ng Telebisyon.

Sa acceptance speech ng AlDub actress, hindi lamang daw nila hangad na mapasaya ang mga dabarkads, kundi pati na rin magbigay aral sa lahat ng mga kabataan.

Ani Maine, “Isang malaking karangalan po ito sa amin dahil bukod naman po sa pagpapaligaya lang po ng manonood ay talagang hangad din po talaga namin na magbigay din po ng aral sa aming mga manonood lalo na po sa mga kabataan.”

Matatandaan na noong Marso, nagwagi si Maine bilang Favorite Pinoy Personality sa Kids’ Choice Award (KCA) ng Nickelodeon

MORE ON ALDUB:

Celebrity fans of AlDub

AlDub dropped hints about their next big project