
God bless you more, Alden.
By CHERRY SUN
Isang AlDub fan na nagngangalang Ena Valencia sa Instagram ang nagbahagi ng kanyang karanasan tungkol sa Pambansang Bae na si Alden Richards. Nais lamang niyang makakuha ng selfie at autograph mula sa kanyang iniidolo pero higit pa roon ang kanyang nasaksihan.
Aniya, nakaabang siya at ang ibang fans sa paglabas ni Alden sa Broadway studio. Naghintay raw sila kahit delayed na rin ang schedule ng aktor, at sa kanilang pag-aabang ay napansin ni Ena ang kanyang kapwa fan na senior citizen na.
"Nauna siya doon and she was waiting for A (Alden) to ask help kasi may sakit daw siya. Nilalapitan siya ng driver [ni Alden] at kinakausap and was telling her na wala siyang pera so hintayin na lang lumabas si A," kuwento niya.
Pagkaraan daw nito ay ipinatawag ang driver ng Pambansang Bae sa loob ng studio at saka lumapit sa lola bitbit ang ilang gamit ng aktor.
"I saw lumapit siya kay Lola at nag-abot ng money. Binulong (sinabi) ni kuya driver that it was from Alden and 'wag nalang daw maingay (I heard it though very clear and my friends as well)," patuloy niya.
Nang lumabas na si Alden ay napaunlakan rin daw ang kanilang requests habang nagso-sorry ang aktor dahil nagmamadali na siya papunta sa isa pa niyang appointment. Dahil dito ay lalong humanga si Ena sa kanyang iniidolo.
"Touching, indeed he is such a true sweetie. That's why fans love him so much at pati na ako, I'm proud to be his fan. Can't move on, ang gwapo," sambit niya.