What's on TV

AlDub soap na 'Destined To Be Yours,' malaking pressure sa network at sa producers

By MARAH RUIZ
Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated February 27, 2020 9:47 AM PHT

Around GMA

Around GMA

Robust consumer spending boosts US third-quarter economic growth
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News



Ayon kay GMA Vice President for Drama Redgie A. Magno, isang malaking hamon ang paghahanda para sa seryeng ito.

Isa sa pinakaaabangang serye ngayong taon ang Destined To Be Yours na pagbibidahan nina Alden Richards at Maine Mendoza.

Ito ang magiging unang primetime show kung saan magkakasama sina Alden at Maine matapos ang kanilang tagumpay sa kalye-serye ng Eat Bulaga at maging sa kanilang pelikulang Imagine You & Me.

Ayon kay GMA Vice President for Drama Redgie A. Magno, isang malaking hamon ang paghahanda para sa seryeng ito.

"Sa totoo lang, dito, ang mas malaking pressure hindi doon sa dalawa eh, sa amin. Sa amin ang malaking pressure kasi nga it cannot fail. Talagang dapat it should work. We should do everything to ensure that it works. Medyo malaking pressure 'yun sa amin, sa producers," bahagi niya sa press conference na idinaos ng Drama Group ng GMA Entertainment TV. 

Bukod dito, isinasaalang-alang din daw nila ang panlasa ng AlDub Nation— ang mga tagahanga nina Alden at Maine.

"At saka, bukod pa doon, [we have] to please the AlDub Nation. Mabigat na pressure [iyon] sa producers," dagdag niya.

Ibinahagi rin ni Magno na maaga nang naglaan ng panahon sina Alden at Maine para sa serye. Ang Destined To Be Yours ay mapapanood ngayong taon sa GMA Telebabad. 

MORE ON GMA ENTERTAINMENT:

MUST-READ: Alden Richards at Maine Mendoza, maagang naglaan ng panahon para sa kanilang teleserye

GMA execs, nagsalita patungkol sa resignation ni Ara Mina sa 'Pinulot Ka Lang sa Lupa'

GMA TV Exec, tinukoy ang mga shows na nagdala sa GMA sa no. 1 spot