GMA Logo Aleck Bovick and Leandro Baldemor
What's Hot

Aleck Bovick at Leandro Baldemor, bibida sa bagong episode ng 'Wish Ko Lang'

By Aimee Anoc
Published June 7, 2023 4:17 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Paolo Contis, aminadong marami siyang nagawang pagkakamali sa buhay
6 hurt in 'festi-brawl' in Roxas City, Capiz
A festive beauty pop-up opens in the South just in time for the holidays

Article Inside Page


Showbiz News

Aleck Bovick and Leandro Baldemor


Abangan ang natatanging pagganap nina Aleck Bovick, Leandro Baldemor, Aidan Veneracion, Anna Marin, Ynez Veneracion, at Divine Aucina sa Wish Ko Lang ngayong Sabado sa GMA.

Tampok sa bagong episode ng Wish Ko Lang ang kuwento ng misis na si Benita, na kahit 12 taon na silang nagsasama ng mister na si Marlon ay hindi pa rin siya matanggap ng kanyang hipag at biyenan.

Bibigyang-buhay nina Aleck Bovick at Leandro Baldemor ang mag-asawang Benita at Marlon sa "Wish Ko Lang: Hipag Wars!"

Makakasama rin nina Aleck at Leandro sa episode na ito sina Aidan Veneracion bilang Francis, Anna Marin bilang Eula, Ynez Veneracion bilang Arlene, at Divine Aucina bilang Lani.

Base sa trailer na inilabas ng Wish Ko Lang, kahit ilang taon nang kasal sina Benita at Marlon ay patuloy pa rin ang pangingialam at panggugulo sa kanila ng hipag at biyenan. Hindi pa rin matanggap si Benita ng ina at kapatid ng mister kaya lagi siyang hinahanapan ng butas ng mga ito para may dahilang magalit sa kanya.

Isang araw, napansin ni Benita na tila naging matumal ang benta niya sa mga produktong itinitinda. Nang malamang sinisiraan siya ng hipag at biyenan, kinumpronta ni Benita ang mga kaanak ng kanyang asawa. Ang pagtatalong ito, naging dahilan para malagay sa panganib ang buhay ng kanyang mister.

Huwag palampasin ang "Wish Ko Lang: Hipag Wars!" ngayong Sabado, June10, alas-4 ng hapon sa GMA.

Maaari ring mapanood ng mga Kapuso abroad ang Wish Ko Lang sa GMA Pinoy TV. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang www.gmapinoytv.com.

MAS KILALANIN SI ALECK BOVICK SA GALLERY NA ITO: