
Paliitan ng waistline ang naging labanan sa Celebrity Bluff matapos sukatin ang napakanipis na bewang ni Alessandra de Rossi.
Nitong Sabado, November 14, muling napanood sina Eugene, Jose Manalo, Boobay, at Brod Pete sa all-original Pinoy comedy game show na Celebrity Bluff.
Ang celebrity players na naki-“Fact or Bluff,” ay binubuo ng celebrity friends na sina Alessandra de Rossi at Meryll Soriano, ang magpinsang sina Sunshine Cruz at Sheryl Cruz, at ang tandem nina Valeen Montenegro at Mr. Fu.
Sa unang round ng laro, napag-usapan ang Amerikanong si Kathie Kung na meron daw 15 inches na waistline kapag nakasuot ng corset. Tugon ni Alessandra ay kaya niya rin daw 'yun.
Gamit ang measuring tape ay sinukat ni Eugene ang bewang ng aktres at nagulat.
Sambit ng host, “Oh my God, it's a tie. Kinse!”
Lumaban naman si Boobay at nagpasukat din bilang hamon. Samantala, hindi rin nagpahuli si Brod Pete at sinukatan naman ito ni si Jose.
Panoorin ang buong video ng November 14 episode sa itaas.