GMA Logo Alessandra de Rossi
source: msderossi/IG
What's Hot

Alessandra de Rossi, aminadong tinanggap agad ang role sa 'Firefly'

By Kristian Eric Javier
Published December 14, 2023 2:55 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Robots dance, clean, and rescue toy cats at expo in Japan
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ 

Article Inside Page


Showbiz News

Alessandra de Rossi


Bakit hindi nagdalawang-isip si Alessandra de Rossi sa role niya sa 'Firefly?'

Aminado ang star ng Metro Manila Film Festival movie na 'Firefly' na si Alessandra de Rossi na hindi na siya nagdalawang-isip na tanggapin ang role niya sa pelikula nang mabasa niya ang script, lalo na nang malaman na si Zig Dulay ang direktor nito.

Sa interview niya sa Updated with Nelson Canlas podcast, ibinahagi ni Alessandra kung papaano sinabi sa kaniya na siya ang gaganap sa role ng nanay ni Tonton (Euwenn Mikaell).

“Wala lang, parang nagpadala lang ng script, tapos sabi 'project po ito ni Direk Zig Dulay,' ganun. So binasa ko, in-imagine ko na style ni Zig Dulay gagawin, okay,” pagbabahagi ni Alessandra.

Ibinahagi rin ng aktres na dahil nakatrabaho na niya ang direktor sa pelikulang 'Bambanti' at sa dalawang episode ng drama romance anthology na Wagas, ay hindi na niya masyado pinag-isipan kung tatanggapin ang role.

“Actually, magkaibigan talaga kami kaya wala na masyadong negotiation. Sinabing pelikula ni Zig Dulay, I'm there,” sabi niya.

Bukod sa pagiging pelikula ni Zig ang 'Firefly,' nagandahan rin umano s Alessandra sa script nang mabasa niya ito, at sinabing tila wala nang nagagawang pelikulang pambata. Kaya't nang mabasa niya umano ang script, nasabi niya sa sarili na “it's the perfect time.”

TINGNAN KUNG SINONG MGA CELEBRITIES AND DUMALO SA ADVANCED SCREENING NG 'FIREFLY' SA GALLERY NA ITO:

Sinabi rin ni Alessandra na isa sa pinaka nagustuhan niyang aspeto ng pelikula ay ang innocence ng isang bata na ipinakita sa pelikula.

Paliwanag ng aktres, “Kapag 'yung bata nagkukwento ang isang ina, kapag gumana ang imagination ng bata, sobrang kulay niya, 'di ba? Ganung klaseng innocence.”

Samantala, ikinuwento naman ni Nelson Canlas na ayon umano kay Zig ay simula pa lang nang

Nang tanungin kung ano ang reaksyon ng aktres dito, ang sagot niya, “Nakaka-touch and ang ganda kasi talaga nung role.”

“Sobrang mag-iiwan siya saýo ng isang mabigat, not mabigat, parang mga eksenang hindi mo makakalimutan, parang ganun. Isa 'to sa mga roles na ganun,” saad ng aktres.

Pakinggan ang buong interview ni Alessandra dito: