Article Inside Page
Showbiz News
Masayang masaya si Alessandra de Rossi sa panibago niyang proyekto sa GMA, ang
Magkano Ba Ang Pag-ibig? Not only will she be reunited with her
Legacy co-stars Heart Evangelista and Sid Lucero, but she won't be playing a kontrabida role for the first time. In an interview during the show's story conference, ibinahagi ni Alex ang kanyang excitement sa kanyang bagong role, pati na rin ang dahilan kung bakit gusto niya munang magpahinga sa pagiging kontrabida.

Masayang masaya si Alessandra de Rossi sa panibago niyang proyekto sa GMA, ang
Magkano Ba Ang Pag-ibig? Not only will she be reunited with her
Legacy co-stars Heart Evangelista and Sid Lucero, but she won't be playing a kontrabida role for the first time. In an interview during the show's story conference, ibinahagi ni Alex ang kanyang excitement sa kanyang bagong role, pati na rin ang dahilan kung bakit gusto niya munang magpahinga sa pagiging kontrabida.
"For the first time, mabait ako. Yes! Maiba lang. Para naman makita ng mga manonood na andami kong kayang gawin," panimula ni Alex.
She adds, "Sadyang paulit-ulit lang ang binibigay sa akin. At least ngayon iba naman. Wala na akong mga close up na nakatingin sa malayo at nagsasabi ng 'Humanda kayo'. Wala ng ganun. Nakakapagod 'yung ganung acting eh. At saka wala namang ganung tao sa totoong buhay. Hindi siya magandang example."
Nilinaw din niya na hindi niya tinatalikuran ang pagiging kontrabida sa mga teleserye. "No, hindi sa ayaw ko. Spice nga 'yung kontrabida. Pero sa akin lang kasi, ang hinihingi ko, bigyan ako ng back story. Bakit ako naging masama, bakit pangit ang mga choices ko sa buhay, ano nga ba ang pinagdaanan ng tao para maging selfish siya. 'Yung mga ganun lang. Kasi usually hindi naman nae-explain, sa bida lang nakatutok 'yung story. Ang dating na lang tuloy sa akin, parang nagiging bad example ang mga characters ko sa mga manonood lalo na sa mga bata. Ayoko ng ganun. Siyempre iniisip ko rin 'yun as an actress na parang dapat lahat ng proyekto mo, mayroon kang maiiwan na maganda. Eh ako puro pananampal at pananabunot ang natututunan nila sa akin."
Alex also believes that she has a responsibility to her viewers, especially to the young ones. "Dapat naman talaga. Kahit ako, ang mga pelikulang pinapanood ko, I make sure na mayroon akong matututunan na maganda. Napapansin ko lang kapag napapanood ko ang sarili ko sa TV, hindi maganda 'yung nalalabas ko. Pang-aapi sa mga kawawa, manlalait, pambabaril, pang-aagaw ng asawa. Parang 'Hanggang ganito na lang ba ang kaya mo, Alex? Sayang naman 'yung binigay na gift sa'yo ng Diyos kung hindi mo gagamitin sa mabuti."
She further explains, "Naiintindihan ko naman na it's just a role. Pero dito kasi sa Pilipinas, uso ang labels. Once na sexy ka, dapat 'yung next mo sexy rin. Once na kontrabida ka, kontrabida ka ulit. Kapag mabait ka, hindi ka puwedeng maging masama kasi next time hindi ka na paniniwalaan as mabait. Kasi nga walang artista dito, celebrities lang."
Hindi naman daw siya namimili ng role, since she has another outlet for the roles she has not portrayed on television. "No, no. Kasi kung ano naman ang frustrations ko, nagagawa ko siya sa indie films. Masaya ako doon eh. Pero siyempre, mas marami kasing nanonood ng TV. Ayoko lang na tuwing nakikita nila ako, umiinit ang ulo nila sa akin. Kasi honestly hindi naman nakakainit ng ulo 'yung pagkatao ko."
Kung bibigyan ba siya ng panibagong kontrabida role, tatanggapin pa rin ba niya?
"Kailangan ko lang siyang pag-aralan. Kailangan ko na talagang mamili. Hindi siya puwedeng 'O papasok ka lang diyan. manggugulo ka lang.' Sabihin mo sa akin kung bakit kailangang gawin 'yun ng kontrabida."
As for her new role in the upcoming Afternoon Prime drama, this is what the bubbly actress had to say. "Excited ako, kasi mangangapa ako eh (laughs). Actually hindi naman mangangapa, kasi alam ko naman kung paano gawin 'yun. Pero baka hindi pala ako ganun ka-effective, baka mas maganda ako tingnan as a strong woman."
Catch Alessandra de Rossi in
Magkano Ba Ang Pag-ibig?, soon on GMA Afternoon Prime. -- Text by Michelle Caligan, Photo by Bochic Estrada, GMANetwork.com