GMA Logo alessandra de rossi
Photo from TicTALK with Aster Amoyo YouTube channel
What's Hot

Alessandra De Rossi, mapili raw sa trabaho?

By Jansen Ramos
Published November 23, 2023 1:17 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Comedian Kuhol dies at 66
PRO 7 chief checks Sarah Discaya, et al. in Lapu-Lapu City Jail
Christmas gift ideas for your girl besties

Article Inside Page


Showbiz News

alessandra de rossi


Nanindigan ang 'Firefly' actress na si Alessandra De Rossi sa kanyang karapatan nang masigawan noon ng isang direktor nang tanggihan niya ang pinagawa nito.

Maituturing na ngang "Netflix Queen" ang mahusay na aktres na si Alessandra De Rossi dahil sa kanyang mga pelikula na humahataw sa popular na streaming service, kabilang na riyan ang romance-drama movie nila ni Paolo Contis na Through Night and Day.

Bukod sa bagong release sa Netflix na pelikula niyang What If kung saan katambal niya si JM De Guzman, may bagong serye ulit siya na magpe-premiere sa streaming service sa November 24, ang Replacing Chef Chico kung saan kasama naman niya sina Piolo Pascual at Sam Milby.

Bibida rin si Alex sa GMA Pictures and GMA Public Affairs fifilm na Firefly na official entry sa Metro Manila Film Festival ngayong taon.

Kung tutuusin, madalang na ngayong gumawa ng teleserye si Alex at piling-pili ang ginagawang mga proyekto, bagay na aminado naman ang aktres. Bukod sa pag-arte, nagpo-produce at nagsusulat na rin ng pelikula si Alex.

Sa panayam sa kanya ng entertainment writer at talent manager na si Aster Amoyo kamakailan para sa YouTube channel nitong "TicTALK with Aster Amoyo", nagpakatotoo si Alex tungkol sa pagtanggap ng trabaho.

Dito inamin ni Alex na hindi siya nawawalan ng offer pero mas marami rito ay tinanggihan niya.

Diretsahang paliwanag ng aktres, "It's the role, it's the message, it's the co-actor, 'yung gano'n. Parang 'wag naman 'yan. May gano'n ako."

Pinasok ni Alex ang pag-aartista noong labing tatlong gulang pa lamang siya.

Pero kahit na baguhan, natutunan niyang manindigan sa kanyang karapatan.

Sa panayam, binalikan niya ang dating karanasan sa isang direktor na ipinahiya siya matapos tanggihan ang pinapagawa nito.

Kwento niya, "Bata pa lang ako gano'n na 'ko. 13 years old nga nasigawan ako. Nakatayo ako ganyan. Sabi niya, 'di ka sisikat. mayabang ka, namimili ka.' Kasi ayoko makipag-kissing scene no'ng time na 'yon. 13 years old, ano? Sa harapan ng nanay ko 'yun."

Patuloy niya, "Tapos tinuruan kami ng mommy ko na huwag lumaban 'pag may umapi. So sabi ko, 'Okay, papanoorin ba 'to ng nanay ko?' Nasa mukha ko na talaga s'ya. Sabi niya, 'Mayabang ka...'di ka sisikat. Tapos biglang tumayo 'yung mommy ko. Sabi niya, 'E 'di hindi!' Tapos um-exit s'ya sa door. Lumingon pang gano'n. Sabi niya, ''Di namin kayo kailangan. Sabi ko, 'Wow.'"

Dahil sa pangyayaring iyon, pinatunayan ni Alex na isa siyang taong may prinsipyo sa murang edad.

Aniya, "In my head, pwede palang lumaban 'pag sobra na. Do'n ko nakita sa mommy ko na hayaan mo muna s'ya tumalak ng 30 minutes. Kapag sumobra na, 'pag 'yung hustisya na 'yung pwede mong isigaw, 'di ba, pwede na."

Ayon pa kay Alex, okay lang maging mapili sa trabaho kapag labag ito sa loob mo.

"Parang na-realize ko no'ng time na 'yon na okay mapili ako dahil ayoko 'yung project, ayoko 'yung role, ano kasi prostitute, e ang bata ko pa. Tapos sa 'kin ayoko talaga at 'di naman ako pinilit ng mommy ko na, 'oh anak sige, gawin mo na 'to, akting-akting lang 'to.' 'Di to akting-akting."

Diin pa niya, "So do'n ko na-relize na okay choosy ako. Nasigawan na 'ko once. What is another? Charot."

Biro pa ni Alex sa nakaalitang direktor: "Pero kaya ko na s'ya sigawan ngayon, charot. Ano na, sa'n ka na? Charot."

Dugtong niya, "Nagkikita kami, parang 10 years bago niya in-acknowledge 'yung presence ko e. 'Di n'ya 'ko gusto siguro, parang nakakapalan s'ya siguro sa mukha ko na mag-no sa isang napaka-importanteng project dahil 'di n'ya alam kung ano ang importante sa 'kin."

Paliwanag pa ni Alex, mahalaga para sa kanya ang posibleng maging epekto ng ipapakita niya sa screen sa kanyang audience.

"Saka naniniwala ako talaga na bilang batang manonood ng TV, 'di ba, naniniwala ako na 'yung mga bata kung ano 'yung nakikita nila, nagiging normal na sa kanila to a certain point, 'di ba? So 'pag halikan nang halikan ganyan, kung sa inyo 'pag araw-araw na, parang try ko nga. Alam mo 'yung gan'on? So ayaw mo sanang magpakita ng gano'n hangga't kaya.

"Syempre may ibang producers hindi naiintindihan. Artista ka dapat kaya mong gawin lahat. Artista ka? Sasabihin ko hindi, pag-uwi ko parang 'di naman ako artista. Magdadasal ako bago matulog, parang tapos na 'yung pagiging artista ko, 'di ba?"

Wala raw pinagsisihan si Alex noon dahil na-enjoy niya ang kanyang childhood kahit maagang pinasok ang pag-aartista.

"Ako na-enjoy ko, si Assunta hindi. Na-enjoy ko lahat patintero, sleepover sa kaibigan. Si Assunta 'di pwede, ako pwede lahat kasi strong ako, si Assunta kakabahan ka, baka painumin, umoo. Ako kasi palaban ako. Alam ng mommy ko 'yan. Parang ayoko 'yan. 'Pag sinabi kong ayaw ko, ayaw ko. 'Pag sinabi kong hindi, hindi pwede so na-enjoy ko lahat sa childhood."

Panoorin ang buong panayam sa ibaba.