
“Kung negative 'yung tingin nila sa unmarried, takot kayo mag-isa?”
'Yan ang mensaheng gustong ipahatid ni 'Firefly' actress Alessandra de Rossi sa mga taong may negative perception sa mga unmarried women.
Sa interview niya sa Updated with Nelson Canlas podcast, sinabi ni Alessandra na masaya naman siya bilang isang unmarried woman, ngunit nilinaw niyang hindi ibig-sabihin ay mas masaya ang buhay niya kumpara sa isang may asawa at anak.
“I'm sure napaka-fulfilling na trabaho na maging ina. Pero para piliting mangyari 'yun or ma-feel na hindi ako parang binigyan ng gift na ganun? It's a blessing from the Lord talaga, nakalagay naman 'yan, children are gift from God,” sabi ng aktres.
Pagpapatuloy nito, “Pero parang ang lungkot naman kung feeling mo dahil hindi ka nabigyan or hindi ka ganun, e malungkot ang buhay mo.”
Dagdag pa ni Alessandra, totoo man na 'love makes the world go round,' hindi siya naniniwala na love lang ang sagot sa lahat ng problema. Aniya, hindi lang buhay may asawa o buhay may anak ang klase ng buhay dahil marami pang iba.
“Like trabaho, travel, binuhos niya 'yung life niya sa isang community, she changed the world in her own little way, special way, parang 'di masasabing napaka-unfulfilling naman ng life niya, 'di ba?” paliwanag ni Alessandra.
RELATED CONTENT: 15 TIMES ALESSANDRA DE ROSSI SLAYED IN HER HOT BIKINI
Ani Alessandra, isa sa mga natutunan niya in her 30s ay, “Kailangan mabuti kang tao. Or else, lahat ng ginagawa mo, walang kuwenta lahat.”
“And remain the person that you are. Kahit galit ka, kahit frustrated ka,” sabi ng aktres.
Nlinaw naman ni Alessandra na normal lang ang magalit, ngunit importante rin ang magpatawad, lalo na kung matagal na ang issue na dahilan ng galit.
“Makakalimutan mo rin lahat 'yun, forgiveness siya,” sabi ng aktres.
Pakinggan ang buong interview ni Alessandra dito: