
Noong July 12, ibinunyag ni Alessandra de Rossi na siya mismo ang nakaisip ng istorya ng 2018 film na Through Night and Day kung saan bumibida siya kasama si Kapuso comedian Paolo Contis.
Saad ni Alessandra, nanghingi siya ng tulong kina Noreen Capili at Direk Veronica Velasco para mabuo ito.
“Ako dapat magsusulat ng 'Through Night and Day' dahil buo naman na 'yung kuwento sa isip ko,” saad niya.
“Sa sobrang pressure sa soap noon, kasi leading lady daw ako noon, 'di ko magawa!
“Pinasulat ko kay @noringai dahil idol, mentor at bff ko siya. Sabi ko, ako na lang magdidirek.
“Noong nabasa ko 'yung script ni @noringai, na-pressure ako. Masyado akong nagandahan, 100x better sa kaya kong gawin dahil 'di ako writer. Natakot ako na baka masira ko 'yung film.
“I'm glad si Direk Veronica Velasco ang gumawa.
“Salamat Direk and Noreen. Buti na lang! Mahusay!”
Dahil sa natatanggap na papuri nila ngayon sa pelikula, hindi mapigilang sabihin ni Alessandra na, “worth it 'yung pagpapakalbo ko.”
Dagdag pa niya, “I'm happy na wala akong pressure during the shoot. I'm happy we picked the right people. Thank you, God, for bringing us all together.
“Salamat sa lahat ng nanonood ngayon!”
Hindi talaga kaya pagsabayin lahat. Im happy na wala akong pressure during the shoot. I'm happy we picked the right people. Thank you God for bringing us all together. 🙏🏻 Salamat at worth it yung pagpapakalbo ko. Kasi 4 lang nanood sa cinema 🤣 salamat sa lahat ng nanood ngayon❣️
-- alessandra de rossi (@msderossi) July 12, 2020
Behind-the-scenes stories
Sa mga sumunod na tweets, ibinahagi ni Alessandra ang ilang kuwento at behind-the-scenes shots noong ginagawa ang pelikula tulad ng pag-away sa kanya ng isang Pinay nang ikumpara niya ang Iceland sa Pilipinas.
Saad niya sa fans, “Noong nagpunta ako sa Iceland by myself para mag-research ng locations for the shoot, may sumunod doon na isang friend ko from the US.
“Sa isang place, basta ine-explain ko sa kanya na, 'This part looks like Batanes, almost like the Philippines.'
“May biglang humarap sa akin na Pilipina at ang sabi [sa akin] ay, 'I paid so much for this trip, you know. I can't believe you're comparing Iceland to the Philippines!'
“Na-shock ako and I said sorry and walked away. But in my head, 'Business class ka? Ako, oo. Sagot ng Viva Films.'
“So ayun, kasama siya sa experiences ko sa Iceland. Ginawa ko na lang na napaaway para mainis si Ben [ang karakter ni Paolo Contis].
“Cinematic tayo! In real life, I don't patola to nonsense. Busy ako.”
So ayun kasama sya sa experiences ko sa Iceland. Ginawa ko nalang na napaaaway para mainis si Ben. 🤣🤣🤣🤣 Cinematic tayo! In real life, I don't patola to nonsense. Busy ako.
-- alessandra de rossi (@msderossi) July 12, 2020
April 1 2018, Iceland. Sorry for my handwriting. I picked this place. pic.twitter.com/jHwgzcuWxB
-- alessandra de rossi (@msderossi) July 12, 2020
Isinaad rin niya na inialay niya ang istorya para kay Empoy Marquez, ang kanyang co-actor sa indie film na Kita Kita noong 2017, ngunit hindi ito napili para maging leading man niya sa pelikula.
Aniya, “I wrote this for Empoy, kaya ginawa kong childhood friends para tanggap na nila isa't isa. Ano man! Love you, 'Poy!
“Ngunit may kontraban. Not Viva or Octo.
“Perfect si Paolo, by the way. Ginalingan. #truestory”
I wrote this for empoy, kaya ginawa kong childhood friends para tanggap na nila isa't isa. Ano man!😂😂😂 Love you poy! Charot! Ngunit may kontraban. Not viva or octo. Perfect si paolo, btw. Ginalingan. #truestory https://t.co/s2NYJTy3SW
-- alessandra de rossi (@msderossi) July 12, 2020
Praises for 'Through Night and Day'
Simula noong ipinalabas ang Through Night and Day sa Netflix, sunod-sunod na ang natanggap na papuri nina Alessandra at Paolo mula sa fans.
Kabilang na diyan si Aiai delas Alas na ikinuwentong napaiyak matapos mapanood ito sa Netflix.
Sa isang post, isinaad ni Kapuso Comedy Queen, “Congratulations sa movie na 'to!
“Magandang movie, magaling ang director, cinematography. Ang ganda ng Iceland! Napakahusay ni Paolo Contis at ni Alessandra de Rossi.
“At higit sa lahat… Sobrang nakakaiyak! Kaloka!”
Diin pa ni Aiai, “More and more Filipino films na ganito sa Netflix.”
Malaki rin ang paghanga ni Allan K sa dalawang artista pagkatapos niyang mag-post ng isang eksena sa nasabing pelikula.
Wika ni Allan, “Sobrang galing n'yong dalawa. Grabe!!! @msderossi @paolocontis”
Paolo Contis at Alessandra de Rossi, nakatanggap ng positive reviews sa 'Through Night and Day'
ArtisTambayan: Paolo Contis talks about 'Through Night and Day'