
Labis ang pag-aalala ni Alessandra De Rossi sa kanyang amang naninirahan sa Italy, at inang nasa Canada na papunta roon.
Idineklara ng World Health Organization ang Europa bilang bagong epicenter ng coronavirus disease 2019 dahil sa dami ng kaso at casualty doon, lalo na sa Italy, sanhi ng virus.
Sa Instagram, nanawagan si Alex ng dasal para sa kaligtasan ng kanyang mga magulang.
Sulat ng Filipino-Italian actress, "Father's day pala sa Italy ngayon! My pepito, please stay locked in your home. Please help me pray for Italy and for @ermatsko who will be flying from Canada pabalik ng Italy very soon.
"Lord, please keep everybody safe. Salamat sa lahat ng may oras mag-pray with me! Much appreciated. May God bless us all!"
Ayon pa kay Alex, "nakakabaliw" ang malayo sa pamilya kaya ganoon na lamang ang kanyang pag-aalala.
Ayon sa latest report ng GMA News, 4,825 na ang bilang ng namatay dahil sa COVID-19 sa Italy.
Noong March 10, ipinatupad ni Prime Minister Giuseppe Conte ang nationwide lockdown sa Italy hanggang sa susunod na buwan.