
Hindi maitago ni Alessandra De Rossi ang dismaya sa highly publicized breakups ng ilang celebrities.
Sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Miyerkules, October 8, binalikan ni Alessandra ang panahon kung saan tinigilan niya ang pag-post tungkol sa buhay niya sa Instagram.
“Noong nauso na 'yung Instagram, puwede ka naman mag-post ng anything na puwede maging controversial, e. Puwede mong gawin 'yun as an artista, ipo-post ko 'to, and then pag-uusapan 'to. Hindi ko pala siya gusto,” sabi ni Alessandra.
Pagpapatuloy pa ng aktres, hindi niya nagustuhan kung papaano pinag-uusapan ng ibang tao ang buhay niya ng walang konteksto. Dahil umano dito ay nakakabuo sila ng sarili nilang bersyon ng kuwento base sa post niya.
“So as soon as nakita ko 'yung one million followers, nag-stop ako talaga, stop mag-pos ng whereabouts, ng anything,” sabi ni Alessandra.
BALIKAN ANG CELEBRITIES NA NAGHIWALAY NGAYONG 2025 SA GALLERY NA ITO:
Ipinahayag din ni Alessandra ang dismaya niya na kinakailangan na ng celebrities na i-publicize ang kanilang breakup.
“Alam mo, sorry ha, no offense sa mga dumadaan ngayon sa breakups or whatever, pero ngayon lang ako naka-experience na you have to announce your breakup publicly and say na 'We have decided to part ways,' ganito ganiyan, and we were like 'bakit tayo umabot dito?' Ang lungkot,” sabi ni Alessandra.
Hinangaan naman ni King of Talk Boy Abunda ang “sense of power” na ipinamalas ng aktres sa pag-Kontrol ng mga ipo-post at ilalabas niya sa social media sites.
“Gustong-gusto ko 'yung that sense of power na walang kayabangan. You know what you want. 'This is my space, I protect my territory. I am not perfect, pero heto ako,'” sabi ng batikang host.
Dagdag ni Alessandra sa obserbasyon na ito, “At saka parang wala kang kailangan patunayan talaga kahit kanino kundi sa sarili mo lang siguro.”
Panoorin ang panayam kay Alessandra dito: