GMA Logo Alessandra de Rossi
What's Hot

Alessandra de Rossi pokes fun at her "simple" lifestyle

By Cara Emmeline Garcia
Published September 3, 2020 7:41 PM PHT

Around GMA

Around GMA

No winners of major lotto draws on Friday, May 1, 2026
OFWs repatriated due to Middle East crisis welcomed at job fair
Six PH universities make it on Times Higher Education University Rankings

Article Inside Page


Showbiz News

Alessandra de Rossi


Alessandra de Rossi sa klase ng kanyang pamumuhay: “Simpleng tao lang talaga ako." Read more:

Hindi napigilan ni Alessandra de Rossi na biruin ang kanyang followers sa Instagram nang ibida niya ang kanyang “harvest” na nakalagay sa isang Hermes bag.

Saad ng aktres, “Pasensya na. Simpleng tao lang talaga ako. 'Di ako mahilig magbihis or kung ano man.

“Anyway, kaka-harvest ko lang sa garden dahil wala na kaming makain. Heto nga, shooting na shooting ang dating. Kailangan kita ang props sa labas ng bag para may ebidensya. Baka magduda ang viewers.”

Pero paliwanag ni Alessandra, “#HindiTotoo at hindi ko rin bag 'to! Salamat sa bisita ko. Wala siyang paki sa trip ko.”

Pasensya na. Simpleng tao lang talaga ako. Di ako mahilig magbihis or kung ano man. Anyway, kakaharvest ko lang sa garden dahil wala na kaming makain. Heto nga, shooting na shooting ang dating. Kailangan kita ang props sa labas ng bag para may ebidensya. Baka magduda ang viewers. Anyway #hinditotoo at hindi ko rin bag to! 😂😂😂 Salamat sa bisita ko!!! Wala syang paki sa trip ko 😂😂😂 #f_poser

A post shared by Alessandra De Rossi (@msderossi) on


Pinuna naman ni Assunta de Rossi ang caption ng kanyang kapatid.

Saad ng expectant mom, “Hindi ka nga mahilig magbihis, pero mahilig maghubad. Choz! Wala ka na namang salawal!”

Sagot ni Alessandra, “HAHAHA! What are you talking about? Char!”

Bankrupt na si Alessandra?

Ang pabirong post ni Alessandra ay alinsunod sa isyu na mayroon na lamang siyang PhP 18,000 sa kanyang bank account sa isang interview.

Kinuwento ng aktres na napakalaki ng epekto ng pandemiya sa entertainment industry kaya kakaunti ang perang pumapasok sa kanyang bank account. Dagdag pa dito ang mga bayarin nang ma-ospital ang kanyang ama sa Italy.

“'Yung bank account ko right now is pa-bankrupt na. I only had PhP 18,000 in my account, let's be… fair,” aniya.

Pero lahat ng ito ay nagbago nang ipagkatiwala niya sa Diyos ang kanyang sitwasyon.

“Mayroon pala akong unpaid na mga tinrabaho na nagbayad [bigla].”

Sumunod na araw, nagduda si showbiz personality Lolit Solis sa Instagram kung totoo ba na PhP 18,000 na lamang ang pera ni Alessandra o PhP 180,000 ito.

Bitiw ni Lolit, “Hindi kaya nagkamali, baka 180K pala, Salve? Kasi paano naman magiging 18K na lang ang pera ng isang Alex de Rossi na marami naman nagawang pelikula at series?

“Maliban na lang kung nagkagasta siya ng malaki at nasimot ang pera niya.”

Kaloka iyon sinabi ni Alex de Rossi na 18K na lang ang pera niya. Hindi kaya nagkamali, baka 180K pala, Salve? Kasi paano naman magiging 18K na lang ang pera ng isang Alex de Rossi na marami naman nagawang pelikula at tv series? Maliban na lang kung nagka gasta siya ng malaki at nasimot ang pera niya. Kasi hindi naman kataka taka lalo pa nga ngayon na walang pumapasok na income dahil sa stop taping at shooting, at kung malaki ang cost of living mo, tiyak nga masisimot ka. Pero saan ka dadalhin ngayon ng 18K? Grabe ha, pambayad ilaw, tubig, cable, telepono, gas, pagkain, hanggang saan iyan? Baka nga 180K medyo malayo layo pa ang mapupuntahan, pero 18K , naku mahirap ha! #classiclolita #takeitperminutemeganun #73naako

A post shared by LolitSolisOfficial (@akosilolitsolis) on

Pero paglilinaw ng aktres, “Malaki ang difference ng HAVE at HAD. But sige! Dun ako sa HAVE! Pagod na ako saluhin lahat ng naoospital. HAVE! HAVE ang sinabi ko.

“Sayang lang! 'Di nagets 'yung goodness of the message. Minsan kailangan natin makinig nang mabuti sa sinasabi ng iba bago tayo mag-form ng sariling opinion.”

Aniya, sa sobra-sobra ang kanyang pamimigay sa mga taong nangangailan ay minsan nakakalimutan na niyang alagaan ang kanyang sarili.

“Praying for everyone's health for the sake of my bank account na rin,” saad ni Alesandra.

“I should stop spreading myself too thin, sabi nga ng isang kaibigan ko. But I can't help it! I do what I can do while forgetting myself lagi.”

Dagdag pa niya, “Credibility ko 'yan: I don't LIE and I'm always CANDID because I won't get anything from dishonesty. 36 pa lang ako, pero alam ko na po 'yun since natututo akong magsalita.”