Alessandra de Rossi, pumalag sa mga nagsasabi na dinoktor nila ang PHP 200 M na kita ng pelikulang 'Kita Kita'
Published August 07, 2017, 12:07 PM
Updated August 07, 2017, 12:20 PM
Binasag na ng award-winning actress na si Alessandra de Rossi ang kaniyang katahimikan sa isyu na diumano’y may padding ang box office results ng pelikula nila ng comedian na si Empoy Marquez na Kita Kita.
Ang naturang film ay instant hit sa mga Pinoy na produced ng Spring Films. Sikat ang mga producers sa likod ng pelikula na ito tulad nina Piolo Pacual at My Love From The Star director Joyce Bernal.
Sunod-sunod ang tweets ni Alessandra last week para ipagtanggol ang box office success ng Kita Kita.
Sa huli, dinaan na lang sa biro ng aktres ang mga batikos na ipinupukol sa kanilang movie.