
Ramdam sa exclusive interview ni Alessandra de Rossi sa 24 Oras na naging maganda ang experience niya shooting with her co-star Euwenn Mikaell sa 2023 Metro Manila Film Festival entry na 'Firefly' na ipapalabas sa mga sinehan sa darating na December 25.
Kuwento ni Alessandra kay Aubrey Carampel, naging peg daw niya ang nanay ni Euwenn.
Sabi ng 'Firefly' lead actress, “Magaling 'yung bata. Very attentive also,” ani Alessandra. Dagdag niya, “Off cam, friendly. Pati 'yung mommy niya. Actually, 'yung peg ko 'yung nanay niya, tinitingnan ko silang dalawa.”
Inilahad din ni Alessandra na malaking factor ang kaniyang nanay na si Nenita Schiavone para magampanan niya ang role bilang Elay dahil hindi pa siya mommy in real life.
Paliwanag niya sa Chika Minute, “Sa nanay ko. Frustrated actress ang nanay ko, so lahat ida-drama niya. Lahat ng puwedeng i-drama, ida-drama niya. So, siguro nakuha ko sa kaniya 'yun... 'Yung pag-aalaga, at saka 'yung pagiging malambing.”
Naging madali rin daw sa versatile actress na pumayag gawin ang pelikula, dahil sa kanilang director na si Zig Dulay.
“Una sa lahat, its Zig Dulay. Si Zig, hindi mo rin mapapa-'Oo' ng basta-basta. So, kung umo-'Oo' si Zig, dapat din umo-'Oo' ako. At saka, maganda talaga 'yung role, its something na gaya ng sinasabi ko mag-iiwan siya sa'yo ng something,” saad ng aktres.
BTS PHOTOS FROM 'FIREFLY' MOVIE: