What's Hot

Alex Diaz commends Yasser Marta's professionalism in upcoming BL mini-series

By Dianara Alegre
Published March 12, 2021 1:11 PM PHT
Updated March 12, 2021 1:19 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Bernardo to testify for prosecution in flood control rap vs. Zaldy Co
LTO Dagupan offers free driving course for women
SexBomb Girls look iconic and edgy on local magazine cover

Article Inside Page


Showbiz News

alex diaz and yasser marta bl series


'My Fantastic Pag-ibig: Fairy Tail Romance' is Yasser Marta's first stint in a BL series and his co-star, Alex Diaz, commends him for his “unbiased” professionalism.

Mapanonood na ang unang episode ng “Fairy Tail Romance,” ang ikaapat na installment ng romance-fantasy anthology na My Fantastic Pag-ibig, ngayong Sabado, March 13.

Tampok sa two-part special, na pagbibidahan nina Yasser Marta at Alex Diaz, ang istorya ng pag-iibigan ng isang sireno at isang mortal.

Si Alex Diaz ang gaganap bilang si Lantis, isang sireno, habang si Yasser si Nep, ang lalaking bibighani sa puso ng una.

Yasser Marta at Alex Diaz

Source: itsyassermarta (Instagram), alexandermcdizz (Instagram)

“Si Nep ang apple ng eye ni Lantis o siya 'yung matagal nang crush si Nep.

"Pinagmamasdan niya while he's own the beach ever since they were younger,” ani Alex nang makapanayam ni Cata Tibayan para sa 24 Oras.

Dahil sa kanyang karakter, ilang training ang pinagdaanan ni Alex sa swimming pool at sa dagat.

Aniya pa, may insidente na natakot siyang maglangoy sa dagat nang lapitan siya ng stingray.

“It's actually really fun to be in the ocean. We swam as deep as 10 to 15 feet in the ocean.

"'Tapos alam mo 'yung feeling na parang nakakita kasi ako ng stingray nung tinataas pa lang 'yung drone.

"Parang bigla siyang tumalon sa dagat. 'Yung feeling nun parang, 'Huy, kapatid, 'wag mo kong kainin,” natatawang kwento pa niya.

Samantala, kahit ito ang unang BL project na ginawa ni Yasser, ibinahagi niyang naging komportable siya sa kanyang karakter at sa onscreen partner niyang si Alex.

“Napaka-open lang talaga kasi namin ni Alex. Parang kahit magyakapan pa kami sa eksena.

"'Tapos, may mga eksena pa dun na binubuhat niya ako sumasayaw kami at gumugulung-gulong sa beach.

"Pero para sa 'kin, wala 'yung ilang, wala 'yung wall,” lahad niya.

Pinuri naman ni Alex, na umaming bisexual noong 2019, ang professionalism at mahusay na pagganap ng Kapuso actor sa role ni Nep.

“If I have a kaeksena like Yasser, of course he's a very fun kind guy, it's easy for me to go in to the scene to really feel like Lantis falling in love with Nep.

“For Yasser, I really his commend his ability to make me comfortable on set na I think make everybody feel comfortable on set.

"Ramdam mo lang sa kanya na sobrang wala siyang bias, wala siyang awkwardness.

"As in professional talaga siya magtrabaho,” aniya.

Jo Berry at Alex Diaz

Source: thejoberry (Instagram)

Bukod kina Yasser at Alex, tampok din sa mini-series si Jo Berry bilang si Kabibabe, ang kabibeng best friend ni Lantis.

Ayon sa Kapuso aktres, kakaiba ang istorya ito kumpara sa mga nakasanayan nang mapanood sa telebisyon.

“Maganda 'yung twist sa dulo, so sana po abangan n'yo yan.

"Para sa akin, hindi siya madalas na napapanood, e, that love is for everbody kahit sino pa 'yan,” lahad niya.

Mapapanood ang My Fantastic Pag-ibig presents: Fairy Tail Romance sa March 13 at 20, tuwing Sabado, 7:45 pm sa GTV.

Kilalanin ang cast ng My Fantastic Pag-ibig: Fairy Tail Romance sa gallery na ito: